LIFE STORY NIYA.
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 07, 2021
Kung muling ipi-feature ng Maalaala Mo Kaya ang life story ng Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz, gusto raw niyang si Maja Salvador ang gumanap dahil paborito niya ito.
At kung puwede, si James Reid naman ang gumanap bilang si Julius Naranjo, ang kanyang coach- boyfriend.
Sakaling hindi puwede si James, second choice ni Hidilyn si Luis Manzano. Kahit TV hosting ang forte ni Luis, nakakaarte rin naman ito.
Dati nang itinampok sa MMK ang buhay ni Hidilyn Diaz noong manalo siya ng silver sa ASEAN Games. At ngayong Tokyo Olympics gold medalist na siya, marami ang nagre-request na ulitin ang kanyang inspiring story bilang kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng Olympics gold medal.
Comments