top of page
Search
  • BULGAR

Si Bea na raw kasi ang bagong reyna… JENNYLYN, NO SHOW SA GMA GALA 2024

ni Julie Bonifacio @Winner | July 22, 2024



Showbiz Photo
Photo: Jennylyn Mercado / IG

Pinagpiyestahan sa socmed (social media) ang disappearance ng kauna-unahang female StarStruck Grand Winner na si Jennylyn Mercado sa GMA Gala Night 2024.

Present ang karamihan sa mga GMA artists and executives, maging ang mga Kapamilya bosses at stars.


Kaya talagang napansin ng mga netizens ang disappearance ni Jennylyn, gayung nandu'n naman at solong dumating ang kanyang mister na si Dennis Trillo. 

Nagngitngit pa ang mga netizens kay Jennylyn dahil alam nilang nanood lang daw ng Netflix sa bahay ang aktres. At ang tawag pa nila kay Jennylyn ay “freelancer.”


Sey ng isang netizen, “Now noseline (read: knows) n’yo na kung bakit nagtatampo ‘yung freelancer namin? (side eye emoji).”


Panggagatong pa ng ibang mga netizens, “Um-attend ba ‘yung jombagerong asawa ni freelancer (Jennylyn)?”

“Si Bea (Alonzo) na ang new queen nila, feel bad for freelancer,” pang-aasar naman ng isa pa.


In fairness, may mga nagdepensa rin naman kay Jennylyn. 

“I think ang pag-attend sa Gala ay by choice, ‘di requirement at ‘di stated sa contract na you need to attend or else, etc..


“If 'di pumunta si Jen, it's her choice at she has a reason, and whatever her reason is I think, walang karapatan ang sinuman na i-question s’ya or pag-isipan at sabihan s’ya ng anything bad at disrespectful at I think, wala rin s’yang obligation na mag-explain to anyone. ‘Wag maging double-faced anteh na gusto laging naaayon sa narrative n’yo,” pahayag ng isang netizen. 


Tanong naman ng isang commenter, “Ang tanong, invited ba si Jen? Hahaha!”

Hala, 'kaloka!


 

Parehong single naman daw…

ECHO AT JANINE, SPOTTED ULING MAGKA-DATE SA SOSYAL NA MALL SA MAKATI 


Jericho at Janine  - Circulated
Photo: Jericho at Janine - Circulated

Spotted ulit sina Jericho Rosales and Janine Gutierrez sa isang sosyal na mall sa Makati City. Taliwas ito sa mga bali-balita na binasted na ni Janine si Jericho. 


May mga hirit naman ang mga netizens na kaya nakikitang magkasama sina Jericho at Janine ay dahil may ginagawa silang drama series. 


Pero ang mga netizens, ayaw paawat sa pag-e-emote sa X (dating Twitter).


Sey ng isang netizen, “Akala ko ba, ‘di kailangan ni Janine ang love team? Sabi ng mga faney n’ya, mga ipokrita na she can excel daw with no love team, kasi ‘yung kina J and P dati, ‘di nag-click. Bakit ngayon, trying hard kay Echo na push na push? Kaya lang, parang waley namang chemistry. Sabihan pa si K na ‘di na bagay mag-love team kasi 30s na, bakit s’ya, (Janine)? Good luck na lang (laughing emoji).”


Sagot naman ng isang netizen sa pahayag na ito, “Magkasama lang, gusto na agad ng love team? Napaka-nega mo, wala namang ginagawang masama si Janine sa 'yo.

“They’re both single, whether it is for the show or not, why not? Puso nila ‘yan. Mas okey naman si Echo siguro than Rayver.”


Pati ang nananahimik na ex-boyfriend ni Janine Gutierrez na si Rayver Cruz at girlfriend nito ngayon na si Julie Anne San Jose ay isinasabit na rin nila sa isyu.       


Kalurks!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page