ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 8, 2023
Hindi na maninibago si Joey de Leon ngayong ang TV5 na ang tahanan ng TVJ at ng mga Dabarkads.
Nauna na kasi itong nagkaroon ng show sa Kapatid Network at dito napanood ang kanyang programang Wow, Mali! na ilang taon ding tinangkilik ng publiko.
Ngayon, hindi na masasabing "Wow, Mali!" ang naging desisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey na tanggapin ang offer ng TV5 na magkaroon sila ng bagong noontime show dito.
Kaya naman, “Wow! Tama!” na ngayon ang caption ni Joey sa kanyang ipinost na video clip na may nakalagay na: “TVJ — TV5. Ang aming bagong tahanan.”
Hanggang ngayon ay wala pang final title ang naturang noontime show ng TVJ at mga Dabarkads sa TV5 dahil dumadaan pa ito sa proseso.
Anyway, nasa proseso pa rin ang TVJ sa kanilang ipinaglalaban na titulo ng Eat… Bulaga!.
Well, sa July pa naman nakatakdang umere ang bagong noontime show nina Tito Sen, Vic at Joey sa TV5. At ‘yun ang susunod na aabangan ng mga loyal supporters at viewers ng EB!.
No choice naman ang It’s Showtime kung ang dati nilang timeslot sa tanghali ay ibibigay ng TV5 sa show ng TVJ at mga Dabarkads. Kumbaga, sa ratings na lang magkakatalo ang dalawang noontime show.
Comments