top of page
Search
BULGAR

Shoutout sa DTI, i-freeze muna ang presyo ng mga karne, wa’ na pera ang madla!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | October 28, 2020



Ilang tulog na lang ay Pasko na pala. Pero, ang nakasanayan nating selebrasyon, medyo mag-iiba ngayong taon kasi wala munang mga Christmas party!


Ito naman ay para rin sa atin, kaya oks lang. Kailangan nating mag-ingat to the max versus COVID-19, ‘di ba?


May iba namang paraan para mag-celebrate ng Pasko, tayo pang mga Pinoy?! Kahit walang party basta magkakasama ang buong pamilya sa Noche Buena, keri na!


Speaking of Noche Buena, calling DTI! Plis naman, i-freeze muna ang presyo ng baboy, manok, spaghetti at iba pa. Sana man lang kahit ngayong may pandemya, hindi tuyung-tuyo ang Pasko ng ating mga kababayan.


IMEEsolusyon d’yan, virtual parties. Ang mga kaanak natin na hindi makakasama sa Pasko dahil sa pandemya, maaari nating makasama online. Panoorin na lang natin ang isa’t isa sa computer habang nagno-Noche Buena. ‘Ika nga, eh, para-paraan lang, ‘di ba?


IMEEsolusyon din sa mga hindi magpa-party — pakiusap natin sa mga LGUs na luwagan ang curfew kahit ilang gabi lang para makapag-Simbang Gabi. Kahit pakanta-kanta o pa-video-video lang, masaya na tayo. Payagan din pati legal na mga paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon.


At ang da best na IMEEsolusyon, mag-share ng blessings sa mga kapuspalad nating mga kapitbahay, kaibigan o kamag-anak. Imbes na maluhong party at exchange gifts, pasayahin natin ang mga bata at matanda na nangangailangan ng pagkalinga.


‘Di nga ba’t ‘yan naman ang tunay na diwa ng Pasko, may pandemya man o wala? Magbigayan at magtulungan — tiyak na ‘yan ang gusto ni Lord. Keri nating lahat kahit walang party, pramis!

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page