ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 25, 2021
Ilang araw na ring isyu ang tungkol sa harassment kung saan nadadawit ang pangalan ng aktor at sumikat sa spoken word poetry na si Juan Miguel Severo.
May pinakawalan kasing cryptic tweets ang bida ng BL series na Gaya sa Pelikula na si Paolo Pangilinan tungkol sa alegasyong harassment kung saan involved si Juan Miguel na co-host ng direktorang si Antoinette Jadaone sa Ang Walang Kwentang Podcast.
Si Juan Miguel ang creator ng Gaya Sa Pelikula kung saan bida nga si Paolo.
June 20 nang mag-tweet si Paolo tungkol sa isang taong ginamit umano ang posisyon upang siya ay maabuso.
Hindi nagbigay ng name si Paolo kung sino ang tinutukoy niya, pero ayon sa mga netizens ay may kinalaman umano si Juan Miguel sa isyu.
Nakarating ang balita sa direktora at nababahala siya, kaya nu’ng Miyerkules, June 23, ay nagpahayag siya ng saloobin sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook.
Pero bago nag-post si Direk Tonette ay inalam muna niya ang buong pangyayari.
Sabi ni Antoinette: "Una sa lahat, apologies for speaking up just now.
"I wanted to personally talk to those involved who are close to me, hear both sides, in hopes of having a clearer understanding first before speaking.
"Sexual harassment is very serious and should not be taken lightly."
Hindi raw niya alam ang kabuuan ng kuwento kaya tulad ng mga listeners nila ni Juan Miguel sa podcast ay shocked din siya at nalulungkot sa nangyayari.
Nakarating din kay Antoinette ang feedback mula sa ibang tagapakinig ng podcast nila ni Juan Miguel na dismayado sa pagkakadawit nito sa alegasyong harassment.
Bulalas ni Antoinette, "Sa mga nagtatanong about the podcast: wait lamang.
"This is my baby too, and the community we have all built has become a respite for me.
"Pero sa palagay ko, mas mahalaga sa punto na ito na mag-reflect muna, and clear some space to listen to the voices that need to be heard.”
Pinasalamatan din ni Direk Antoinette ang mga tagapakinig nila ni Juan Miguel sa kanilang podcast program.
Commentaires