top of page
Search

SHERWIN, NEVER PANG NAG-PROPOSE PERO TODO-ANNOUNCE NA IKAKASAL NA SILA NI BIANCA

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 21, 2023



Ayon kay Bianca Manalo, first time niyang gumawa ng series sa Kapuso Network.


Kuwento niya na nu’ng una ay medyo natakot siya dahil kailangan niyang pakisamahan ang mga bagong katrabaho. Kasama si Bianca sa seryeng Magandang Dilag ng GMA-7, kung saan gaganap siya bilang kontrabida. Aniya, “Ang hirap pala maging kontrabida dahil ang sakit sa puso. ‘Yung nanginginig ka sa galit.”


Bilib din daw siya sa mga mahuhusay na kontrabida tulad nina Jean Garcia at Eula Valdez, “Kaya bilib ako sa mga batikang aktres na mga kontrabida dati, sina Ms. Jean Garcia, si Ms. Eula [Valdes]… ang hirap pala.”


Inamin din ni Bianca na challenging para sa kanya na maging kontrabida, “Challenge sa akin, as an actress. Pero I’m very happy with GMA dahil binigyan nila ako ng ganitong role.”


Hindi naman nakaligtas ang dating beauty queen na matanong tungkol sa relasyon nila ni Senator Sherwin Gatchalian.


“Ang daming nagsasabi, basta wait and see. Kasi nag-a-announce na siya, eh. Nag-a-announce na ikakasal na kami this year,” pakli ni Bianca.


“Eh, tingnan natin. Basta ako ngayon, parang umaariba pa rin ‘yung career ko with GMA. Parang gusto ko pa ring mag-focus dito.”


“Tingnan natin. What will happen, will happen,” dagdag niyang pahayag.


Kaya, hindi pa rin masagot ni Bianca ang mga tanong tungkol sa wedding plans nila ni Sherwin dahil wala pa ngang nangyayaring proposal mula sa boyfriend.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page