top of page
Search
BULGAR

Shellfish at alamang, may red tide — BFAR


ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na nakolekta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa ilang lugar sa bansa.


Sa latest shellfish bulletin, ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang sa mga sumusunod na lugar: Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Coastal waters ng Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay, Irong-irong, San Pedro, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar; Coastal waters ng Calubian, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Balite Bay, Mati Bay sa Davao Oriental; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Lianga at Bislig Bays sa Surigao del Sur.


Ayon naman sa BFAR, ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango.


Saad pa ng BFAR, “All types of shellfish and acetes or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption.


“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page