ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 1, 2021
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos magpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) ang mga nakolektang shellfish at acetes o alamang sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang mga shellfish at alamang sa sumusunod na lugar: Lianga Bay sa Surigao del Sur; Coastal waters of Hinatuan sa Surigao del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Coastal waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Coastal waters of Calubian sa Leyte.
Saad pa ng BFAR, “All types of shellfish and Acetes or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption.”
Samantala, ayon sa BFAR ay ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango. Pahayag ng BFAR, “Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.”
Comments