top of page
Search
  • BULGAR

SHARON, PINUTOL ANG ULO NI KIKO SA FAMILY PICTURE NILA NA IPINOST SA IG

ni Beth Gelena @Bulgary | December 27, 2023






MAY posted photo si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ng throwback family photo nila, pero ang siste, pinutol ni Shawie ang ulo ni Kiko Pangilinan kaya sila lang nina KC, Kakie, Miel at Miguel ang makikita sa larawan. 


Maging sa caption ni Shawie sa picture ay mapapansin na hindi niya isinama si Kiko. 


"Merry Christmas from me and my four angels (my gremlins - with 3 laughing emojis)!!! Love you all! (3 X'mas tree emojis, 3 heart emojis and 3 praying hand emojis)," caption ng IG post ni Mega.


Ang tanong ng isang netizen, "Why Kiko Pangilinan was incomplete in family photo?"


Komento naman ng ilan pa, "Grabe ang netizens. Lahat na lang napapansin. Pero saan ka, kulelat ang Pilipinas pagdating sa comprehensions. Ito namang si Shawie, parati na lang may issue sa pamilya tuwing may ganap sa kanya."


"Truelagen. Gustong humabol sa mga issue ng hiwalayan. Tsk, tsk! Hindi na nag-mature si Shawie. Isinasapubliko lahat ng problema niya."


"Dios Mio Marimar. So may S and G na together again. Ganern?"


Idinaan naman sa kanta ng isang netizen ang komento, "If we hold on together, I know our dreams will never die. Dreams see us through to forever, where clouds roll by, for you and ayyyy!"


"Ang tanda na ni S pero pabebe pa rin. Parang nakakaumay na. Mag 60 na yata, feeling may ka-love team pa din. Kung buhay pa si Mommy E, baka kinurot na 'to sa singit."


"Lol, even 'yung interview niya with Boy A. last time, sana daw, she should have stayed single after her failed marriage with Gabby. Ang off lang ng dating like parang pinagsisihan niyang naging asawa niya si Kiko and nagkaanak sila. Hay naku, Mega."


"Ano'ng parang. Halatang pinagsisisihan niya. Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko, may feelings pa rin siya kay Gabby the way ng inaarte niya ngayon."


"Bilib ako sa tiyaga ni Kiko. He deserves better."


"My gosh! Nagpapaniwala pa kayo d'yan kay Shawie. Siyempre, gagawa ng promo 'yan para mapag-usapan 'yung movie niya sa MMFF. Tingnan mo after MMFF, sweet na ulit sila ni Kiko."


"Mas off 'yung sinabi niya kay Boy Abunda na gusto niya nang magpahinga but she still has to work since hindi naman mapera ang asawa niya. Parati na lang niyang nilu-look down si Kiko whenever kailangan niyang mag-promote ng movie. Deserve niya talagang hiwalayan."


"Sa final round nga ng Family Feud na may tanong na 'Ilang relasyon ang pinagsisihan mo?' ang sagot ba naman niya, 'lahat!'"


"Main character syndrome talaga 'tong si Ate Shawie n'yo, ano? 'Yung mga ganitong family matters na involved ang anak mo, dapat 'di mo na pina-public. Lalo't alam mong puwedeng pag-usapan ng ibang tao."


"Siyempre, hindi siya papakabog sa mga mainit na pinag-usapan this year!"


"Kalowkalurkey! 'Pag nangyari 'yan, 'yan ang showbiz hot topic of 2023!"


"She will never have any satisfaction. Naiintindihan ko, may times na made-depress ka, pero hello, you have husband, children, money, beautiful house, career, complete fam. What else could you ask for? Negastar."


"I am now convinced that Sharon is the toxic one in the family."


"We get that. Ang 'di ko gets is 'yung pagkakalat niya sa socmed. She posts things na kahit tayong mga Marites will not do."


Ayon naman sa isang commenter, "Nag-away 'yan ngayong Christmas or Christmas Eve kasi sa pictures ni Kiko sa IG, magkakasama pa sila ni Shawnee at kids."


"Check Shawee’s Pics sa IG- complete ang family sa picture. Baka during Christmas nag-away. Ma'm Shawnee keep your feelings to yourself- it’s breaking your family. Just focus on Kiko and not on your past."


"Wait na lang ako ng mas mainit na clues or maybe pasabog either on Rizal Day or New Year. IYKYK."

 

0 comments

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page