top of page

Sharon, pasok din sa No. 7… MAYMAY, NO. 1 BEST DRESSED SA ABS-CBN BALL, KATHRYN PANG-10 LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 6, 2025



Photo: Maymay Entrata - Instagram


Bongga ‘yung pagkikita nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa red carpet ng katatapos na ABS-CBN Ball.


Para sa mga fashionistang puksaan ang outfit-an, winner si Nadine sa napakagara nitong pagdala sa gown na likha ni Rajo Laurel. Reynang-reyna kumbaga.


Pero siyempre, hindi rin nagpatalbog ang gown ni Kathryn na gawa naman ni Anthony Ramirez. Kung pagiging simple pero bonggang elegante ang usapan, in na in ang pagrampa ni Kath.


‘Yun nga lang, sa isang ginawang survey ng Top 10 Best Dressed, nasa ika-8 puwesto si Nadine habang nasa ika-10 si Kath.


Number 1 si Maymay Entrata na supermodel ang peg sa kanyang Michael Cinco gown. 

Gustung-gusto namin si Julia Barretto sa No. 2 in her Helsa gown na ala-Miss Universe rin ang aura. 


Bumagay naman sa short hair ni Janine Gutierrez ang Mark Bumgarner gown niya at No. 3. 


Fourth si Anne Curtis na diyosang-diyosa pa rin sa kanyang Nicole and Felicia Couture, habang nasa ika-5 ng listahan si Andrea Brillantes in her Neric Beltran suit. 


Naka-Francis Libiran naman ang nasa ika-6 na si Kim Chiu, habang si Mega Sharon Cuneta ay pasok sa No. 7 in her Jot Losa gown. 


No. 8 nga si Nadine at nasa No. 9 si Julia Montes na ang ganda-ganda sa kanyang Vania Romoff gown. And finally, si Kath sa No. 10 spot.


First time ni Mega Shawie na dumalo sa naturang ball at bukod-tanging siya lang ang maituturing na “mother” ng lahat ng nasa Top 10 na pumasok sa list ng Best Dressed.


May mga nagtatanong din kung bakit ang internationally renowned fashion icon na si Heart Evangelista ay wala sa list. Hindi na raw ba siya nakikipagsabayan sa mga local fashion greats natin dahil mas sanay na siyang makipagbardagulan ng outfit abroad?

Although nangangabog din ang mga kasuotan nina Angel Aquino, Lovi Poe, Michelle Dee, Maris Racal, Jane de Leon at Elisse Joson.


Sa mga kalalakihan, pinag-usapan ang mga kaguwapuhan sa kanilang mga suits nina Gerald Anderson, Daniel Padilla, Kyle Echarri, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, James Reid, Dominic Roque, Jake Cuenca, Donny Pangilinan, among others.


Wala kaming nabalitaan hinggil sa kung may naganap na pagkikita sina Daniel at Kathryn. O kung nagpansinan man lang ba sina Nadine at James with his GF Issa Pressman?


Pero sa naturang red carpet interview nga ni partner Gretchen Fullido, sinagot ni Kath na happy siya and still single. 


So, tama nga si Mommy Min na fake news ang naglabasang balita na may BF na si Kath.

Hmmm…


 

HMMM… kaya siguro hopiang-hopia pa rin ang mga KathDen fans na may posibilidad pang mag-take two sa panliligaw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Natsismis kasing “binasted” ni Kath si Alden dahil sa pagiging busy nila, though ‘yung friendship naman daw ay nanatili, lalo’t balita ring boto si Mommy Min sa aktor. 


‘Yun nga lang, parang wala rin talagang time si Tisoy sa usaping ‘puso’ sa dami ng kanyang ginagawa at nais pang gawin kasama na ‘yung latest wish nitong mag-aral sa isang flying school.


Yes, pinag-iisipan na pala ni Alden na ayusin ang kanyang schedules para ma-accommodate raw ang plano nitong mag-aral sa isang aviation school.


‘Yan ay kung mababalanse at hindi raw magkakaroon ng isyu sa iba niyang iskedyul, lalo’t may mga collab projects siya on film production at iba pang negosyo.


Ang latest ngang pinagkakaabalahan ng aktor ay ang kanyang commitment sa healthy lifestyle. Sa kanyang fitness journey, ibinahagi ni Alden ang benefits ng pagiging active at sa pag-aalaga ng kalusugan.


“Gusto ko mas ma-inspire sila na alagaan ang sarili nila and at the same time, ma-realize nila kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang mga ganitong activities, kahit simpleng jogging pa ‘yan. 


“Marami kang nami-meet na mga bagong kaibigan, nakaka-bonding mo rin ang loved ones mo, and together, mas nagiging healthy kayo. For me, ‘yun naman lagi ang goal ko – to have a happier, meaningful, and peaceful life with them,” ayon kay Alden.


Sa darating na May 11, magho-host si Alden ng isang fun run na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa Mowelfund or Movie Workers Welfare Foundation.


Hinihikayat ni Alden ang lahat na makiisa sa event na ito, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin makatulong sa mga nangangailangan.


Simulan ang healthy lifestyle at sumali na rin sa Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page