top of page
Search
BULGAR

SHARON, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BUNTIS SA BATANG BF KAYA SINAKTAN NI SEN. KIKO

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 30, 2021




Pinagtawanan na lang ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan ang mga nakakalokang tsismis sa kanila recently.


Sa Instagram Live ni Megastar last Friday kung saan ay ka-join din niya ang mister na nandito sa Pilipinas at siya naman ay nasa US, inisa-isa nilang nilinaw ang mga issues na naglabasan.


Tsismis No. 1 ay binubugbog daw si Sharon ng asawa kaya siya umalis ng bansa. Pagdidiin ni Mega, wala raw itong katotohanan. Ni dulo ng daliri niya ay hindi raw nasasaling ni Sen. Kiko at never daw nitong magagawa na saktan siya.


Pangalawang tsika ay may boyfriend daw si Sharon na mas bata sa kanya kaya siya sinaktan ni Kiko. Tawa nang tawa ang mag-asawa.


“Ang pakiusap ko lang, sana naman, sabihin n’yo kung sino para makaakyat siya sa aking asawa na humingi ng permiso na lumigaw o makipagrelasyon sa akin,” natatawang sabi ni Sharon.

Biro pa ni Sharon, sana raw ay si Antonio Banderas o si Keanu Reeves na lang ito at iiwan daw niya talaga si Kiko.

At ang pangatlong tsika, buntis daw siya at ang batang boyfriend nga ang ama kaya siya sinaktan.


“Susmaryosep! Ano ba ‘yan?” natatawa ring sambit ng senador.


Dagdag pa ng mister ni Shawie, “Siguro, nakita nila ‘yung una, ay, hindi naman kapani-paniwala. Tapos ‘yung pangalawa, hindi pa rin kapani-paniwala. Ngayon, sumusubok pa rin, pangatlong kuwento na, baka sakaling maniwala. Ano ba ‘yan?”


Sey naman ni Sharon na hindi na halos makapagsalita sa katatawa, “Nakalimutan nila, hindi na ako 30’s. I’m sorry, kahit cute ako, 55 na po ako. At ayaw na namin ni Kiko. Okay na kami kay Miguel. Sa Disneyland lang po, pagod na pagod na kami.”


Sa huli ay nagpasalamat ang mag-asawa sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanila. Ayon pa kay Sen. Kiko, talaga raw laging may lumalabas na issue sa kanila sa tuwing nalalapit ang eleksiyon.


“Everytime na lang na malapit ang eleksiyon, may tsismis. Para sirain tayo, tayo ang aatakehin, ‘yung ating pamilya, our marriage, our family life. Bumenta na ito, eh. But of course, we have to clarify this and explain it.


“Du’n sa ating mga nanonood, just to let you know, this happens all the time, itong mga paninira. So we all have to be vigilant,” pahayag ni Sen. Kiko.


Anyway, ibinalita ni Shawie na nagtatayo raw siya ng production company sa US ngayon kaya mananatili pa raw siya sa nasabing bansa. Sobrang busy daw niya roon, Zoom meetings left and right at may mga auditions pa raw siyang naka-schedule.


“And don’t worry because I still have commitments back home. I’m still doing a teleserye, actually, two. And ang dami kong gagawin pag-uwi, may pelikula pa ‘ko,” she said.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page