top of page
Search

Bakas ng natanggal na taba… SHARON, IPINARETOKE ANG MGA BRASO NA SUPER-LAKI NG PEKLAT

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 25, 2025





Ipinakita ni Sharon Cuneta ang mahabang peklat sa magkabilaang braso niya matapos alisin ang excess skin dahil nga pumayat siya. 


Sa kanyang pagbisita sa Aivee Clinic, ipinakita ni Sharon ang operasyon sa mga braso niya at ang paliwanag ni Dr. Aivee sa procedure na gagawin sa kanya para ma-lessen ang peklat sa kanyang mga braso.


Sabi ni Dr. Aivee, gusto ni Sharon na ma-improve ang appearance ng scar niya sa arm dahil mahaba nga at may discoloration. 


Aniya, “To help her achieve this, we did a Radiant Scar Treatment, combining Carboxytherapy and RF Microneedling. This powerful combination helps fade the scar, refine skin texture, giving it a smoother, and more even appearance.”


Una nang nagpa-arm tuck si Sharon, kaya may mahaba siyang peklat sa kanyang mga braso at ang peklat na ‘yun ang gagawan naman niya ng paraan. May nag-akala namang nagpa-liposuction si Sharon, hindi raw pala natural ang pagpayat.


Samantala, ipinaliwanag ng mga fans ni Mega na natural ang kanyang pagpayat, loose skin lang sa mga braso na resulta ng kanyang pagpayat ang ipina-medical procedure niya. 


Tingnan n’yo naman, walang loose skin sa kanyang mga braso si Megastar Sharon Cuneta.


 

DEDICATED sa pumanaw niyang manager ang pagrampa ni Lovi Poe sa Bench Body of Work. 


Sa kanyang post after ng fashion show, hindi nakalimutan ng aktres si Leo Dominguez.

Sabi ni Lovi, “Still on high. But my real thoughts on stage! Sinigang after this! LOL.


“Seriously though, it’s been seven years since the last Bench show. I feel like I kinda grew up on this stage too and this experience was nothing short of amazing.


“Dedicating this post to my guardian angel Tito Leo who is celebrating his birthday today and dancing with me in heaven.”


Sa comment, mababasa ang comment ni Alden Richards na, “Hahaha! Let’s go, Love,” na sinagot ni Lovi ng “Cheers to downing 2 burgers.” 


Ibig yatang sabihin ni Lovi, after the fashion show at bago siya makakain ng sinigang na ini-imagine niyang kainin habang rumarampa siya, kumain sila ni Alden ng burger. 


Anyway, sa Bench fashion show, muling nagkita sina Alden at Lovi at makikita sa mga videos na lumabas na nagkakatuwaan ang dalawa. 


Natutuwa ang mga fans na hindi naputol ang kanilang friendship at ang request nga, sana ay gumawa sila ng movie na magkasama. Puwede raw na si Alden Richards na rin ang producer para matuloy lang.


 

Budots, out na! BONG, MAY BAGONG PINAUUSONG SAYAW SA KAMPANYA


SINAMAHAN ni Ara Mina si Senator Bong Revilla na mangampanya sa Pasig City at dahil pareho ang Lakas na political party nila, walang naging problema. 


Sa mga videos at photos na napanood namin, maraming tao ang sumalubong kina Bong at Ara at mainit silang tinanggap.


Inabot ng gabi ang pag-iikot ng dalawa sa Pasig at hindi nabawasan ang dami ng tao sa kalye na pangalan nina Bong at Ara ang isinisigaw. 


“Konsehal Ara” na ang tawag ni Bong sa aktres na tumatakbong konsehal sa 2nd District ng Pasig. Mukha ngang hindi mahihirapan si Ara sa pagpasok sa pulitika dahil tanggap siya ng mga taga-Pasig.


Si Bong naman, laging ipinaalala ang number niya sa balota at gaya sa iba niyang pinuntahan, t-shirt at bola ng basketball ang kanyang ipinamimigay. 

Para mas masaya pa, isinasayaw nito ang bago niyang campaign jingle na, “Ito na si Bong Revilla.”


Tapos na ang Budots kung saan, marami ang gumaya kay Bong. Ngayon, iba naman ang kanyang pinauuso.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page