ni Lolet Abania | June 16, 2021
Nakumpleto na ni Sharon Cuneta ang ikalawa at huling dose ng bakuna kontra-COVID-19.
Sa Instagram ng Megastar ngayong Miyerkules, nai-share niya ang isang one-minute video ng sarili na nasa ospital habang tinuturukan ng COVID-19 vaccine. “Fully vaccinated!” post ni Shawie.
“Got my [second] Moderna vaccine jab! Thank You Lord!”
Natanggap ni Sharon ang kanyang first dose ng bakuna noong May sa United States. Ilang linggo makaraang ianunsiyo ng aktres na iiwan niya ang Pilipinas na aniya, siya ay uuwi sa kanyang “tahanan”, ibinulgar nito na lumipad siya abroad para sa kanyang multiple auditions.
Ito ay dahil na rin sa hindi natuloy na role sana niya sa all-Filipino cast ng Hollywood film ni Jo Koy nang makatanggap siya ng “false positive” na COVID-19 result.
Comments