SHAMCEY, BUMITAW NA SA PARTIDO SA PASIG DAHIL SA KAPARTIDONG BASTOS NA ABOGADO
- BULGAR
- 4 days ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 9, 2025
Photo: Shamcey Supsup - Instagram
Pinag-uusapan din at tinatanong ng karamihan kung may balak din kayang mag-resign si Ara Mina bilang kandidato sa Pasig City.
Hinangaan kasi ng marami si Shamcey Supsup Lee nang kumalas na ito sa partido ng This Kaya.
Binanggit lang ng dating Miss Universe-Philippines na may mga prinsipyo at
advocacies siya na hindi na tugma sa mga galawan ng partido sa Pasig.
Hindi man sinabi, pero ang lahat ng naloka sa isang kandidatong abogado na kasama nila ang ipinagpapalagay na rason ni Shamcey sa pagbibitiw sa grupo.
Ito ‘yung abogado na nag-imbita sa mga babaeng matagal nang tigang o wala nang lalaki sa buhay na pinapupunta niya sa bahay niya para punan ang naturang need.
Umiikot din ang video nito sa socmed (social media), kung saan makikita pang nasa likod ng abogado si Ara Mina na napapangiti lang habang nang-iinsulto nga itong kup*l na kandidato.
At mas lumala pa ito ngayon dahil sa isa pang kampanya ay pinaakyat pa nitong abogado ang kanyang secretary o staff na babae na medyo may katabaan. At doon niya ipinaliwanag at idinepensa ang sarili na nagtatanong kung siya raw ba ang tipo ng lalaki na pumapatol o papatol sa ganu’ng tipo ng babae.
Nakakaloka ang katabilan nitong abogado pa naman.
No wonder, nag-resign na si Shamcey dahil nakakainsulto nga namang kasama ang gaya niya.
Ang tanong, si Ara kaya ay mag-resign din? O magbigay man lang ng kanyang saloobin?
Aabangan natin ‘yan!
Hindi na tumigil ang iskandalo at kontrobersiya sa lead guitarist ng Eraserheads na si Marcus Adoro.
Noong pandemic, sa kasagsagan ng pag-rediscover ng maraming mga gaya kong fan ng band, napag-usapan na ang isyu ng pananakit nito sa mga babae at diumano’y mga sexual abuse na ginagawa nito.
Dati pa naming natatandaan na kahit ang anak niyang babae na singer din at mga naging partner ni Marcus, kasama na ang indie actress na si Barbara Ruaro, ay nagpatunay ng kanyang pagiging bayolente.
At dahil meron ngang magaganap na Electric Fun Music Festival concert this May 31 ang itinuturing na pinaka-iconic na Pinoy band na Eraserheads, bigla na namang may bagong iskandalo si Marcus.
Isang babaeng netizen ang nag-post sa kanyang social media at nag-aakusa ng umano’y ‘rape’ kay Marcus noong siya ay high school pa lang.
Ayon pa sa naturang post sa Reddit, hindi raw masikmura ng netizen na nakikita ang mukha ng lead guitarist sa mga posters o posts sa socmed (social media) dahil nanunumbalik ang nakaraang pangyayari sa kanya.
Dahil sa naturang alegasyon, minabuti nga ng lead singer ng banda na si Ely Buendia na huwag munang isama ang gitarista sa kanilang concert.
Ayon pa sa post ni Ely sa X (dating Twitter), “We acknowledge the recent allegations that have surfaced online. As proponents of justice, we unequivocally condemn all criminal acts and stand against abuse of any form. Above all, we seek the truth.
“As Marcus makes time to address the matter at hand, he will be stepping back from the upcoming project. We move forward with humility and deep respect for the truth and social responsibility.”
Tiyak na patuloy itong pag-uusapan hanggang sa May 31.
PANSAMANTALA namang nakapagpahinga sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kahit super-ikling oras last ABS-CBN Ball 2025.
Rumampa ang mag-asawa at muling nakisaya sa mga kapwa nila artists from ABS-CBN at GMA-7, at lalo na sa mga malalapit nilang kaibigan at bosses.
Sa halos araw-araw nilang paglilibot at pag-iikot sa mga bayan-bayan sa buong Batangas province kasama siyempre ang ating dearest idol-friend Mareng Vilma Santos-Recto at kapatid ni Luis na si Ryan Christian, tunay namang nasasabi ni Luis (at ni Jessy) na may calling talaga siya sa mundo ng public service.
Sa ilang social media posts na aming narinig at nakita, mapuso at sincerely na naipapaliwanag ni Luis ang kanyang “LUCKY” advocacy programs na kanyang isusulong, gagawin at ihahandog sa mga taga-Batangas once na siya’y manalo bilang vice-governor.
Mga programa at usapin hinggil sa “Labor, Unemployment, Culture, Kalusugan, Youth” kasama na ang edukasyon, turismo at mga isyung pang-kababaihan ang nasa plataporma ni Luis.
Comments