top of page
Search
BULGAR

Shabu sa face mask, buking, construction worker, arestado


ni Lolet Abania | July 4, 2021



Arestado ang isang construction worker matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ngayong Linggo sa Iligan City.


Kinilala ang suspek na si Jesty Estifano, 31-anyos, may asawa, umano’y tubong Lumba Bayabao, Lanao del Sur. Isinagawa ng NBI ang kanilang buy-bust operation sa Purok 24A, Zone 10, Barangay Maria Christina bandang alas-3:00 ng hapon ngayong araw.


Sa pahayag ni Atty. Abduljamal Dimaporo ng NBI-Iligan, bumaba ang suspek sa isang intersection kung saan maraming tao at motorista na dumaraan habang ilang oras na naghihintay ang mga operatiba sa napagkasunduang lugar.


Agad na ibinigay ng suspek ang kontrabando nang makalapit na ito sa asset ng NBI na nagpanggap na buyer. Mabilis namang sinunggaban ng mga operatiba ng NBI ang suspek na nagtangka pang tumakas subalit naharang ito saka nadakip.


Ayon sa mga awtoridad, matagal na umano nilang minamatyagan ang suspek bago pa ikinasa ang operasyon. Itinanggi naman ng suspek ang nangyari at sinabing unang beses pa lang niya ito umanong ginawa at napag-utusan lamang daw siya.


Narekober sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa itim na face mask, marked money, cellphone, wallet, at identification card. Nakadetine na sa custodial facility ang suspek habang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Arestado ang isang construction worker matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ngayong Linggo sa Iligan City. Kinilala ang suspek na si Jesty Estifano, 31-anyos, may asawa, umano’y tubong Lumba Bayabao, Lanao del Sur.


Isinagawa ng NBI ang kanilang buy-bust operation sa Purok 24A, Zone 10, Barangay Maria Christina bandang alas-3:00 ng hapon ngayong araw.


Sa pahayag ni Atty. Abduljamal Dimaporo ng NBI-Iligan, bumaba ang suspek sa isang intersection kung saan maraming tao at motorista na dumaraan habang ilang oras na naghihintay ang mga operatiba sa napagkasunduang lugar.


Agad na ibinigay ng suspek ang kontrabando nang makalapit na ito sa asset ng NBI na nagpanggap na buyer. Mabilis namang sinunggaban ng mga operatiba ng NBI ang suspek na nagtangka pang tumakas subalit naharang ito saka nadakip.


Ayon sa mga awtoridad, matagal na umano nilang minamatyagan ang suspek bago pa ikinasa ang operasyon. Itinanggi naman ng suspek ang nangyari at sinabing unang beses pa lang niya ito umanong ginawa at napag-utusan lamang daw siya.


Narekober sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa itim na face mask, marked money, cellphone, wallet, at identification card. Nakadetine na sa custodial facility ang suspek habang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page