top of page
Search
BULGAR

Sey ni Ara, utol, sa sobrang inlab… CRISTINE, DEDMA SA PAMILYA DAHIL KAY MARCO

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 6, 2023




Nakatsikahan din namin si Ara Mina sa presscon ng Litrato at naitanong nga namin sa kanya kung happy ba siya for her sister, Cristine Reyes na nakatagpo na ng bagong pag-ibig sa katauhan ng aktor na si Marco Gumabao.


Ayon kay Ara ay very happy siya dahil nakikita rin niyang masaya ang nakababatang kapatid.


‘Yun nga lang, ilang buwan na raw na hindi niya nakikita si Cristine at maging sa pamilya nila ay hindi rin ito nagpapakita.


“I’m very happy, nakikita ko sa kanya, happy siya. But honestly, ang last na kita ko sa kanya, December. I haven’t seen her for 7 months na,” sabi ni Ara.


“Maybe, I’m busy din sa work pero hindi rin siya nakikita ng family namin, eh,” dagdag niya.


Kung si Marco ay naipakilala na ang girlfriend sa parents at kapatid nito, si Cristine naman daw ay hindi pa dinadala sa kanyang pamilya ang boyfriend although siyempre, sey ni Ara kilala naman niya ang aktor bilang magkasama naman sila sa industriya.


“Willing naman kami, kumbaga, ‘yung family ko, willing makilala si Marco, it’s just that, hindi pa niya ipinapakilala. Oh, eh, it’s her choice,” sey ni Ara.


Marami na nga raw okasyon at family gatherings ang nagdaan pero lagi raw absent si Cristine.


“Nag-birthday ako, nag-Father’s Day. Dahil may work daw siya, so, antay na lang kami. Sanay na kami sa kapatid ko, eh,” tsika niya.


Sa tingin niya, bakit kaya hindi nagpapakita si Cristine?


“Baka super in love. Ganyan ‘yan 'pag super in love, eh. Parang wala, missing in action sa family,” pagbubuking ni Ara.


Kasunod nito ay nagbigay pa siya ng mensahe kay Cristine na ‘wag daw sanang masamain ang sinabi niya. Nanawagan pa siya sa kapatid na magpakita raw ito sa kanila.


“I’m just telling the truth. Hoy, AA (tawag kay Cristine), ‘wag ka magalit. It’s true. Pero okay lang kung ano. At least, magpakita ka lang din kay Mommy, sa Daddy,” mensahe ni Ara kay Cristine.


Pero masaya raw siya na makita ang mga ngiti sa labi ni Cristine ngayon.


“Nakikita ko ‘yung smile ni Cristine na ang tagal na naming hindi nakita ‘yun. But I really hope na magpakita rin siya sa mga kapatid ko. Kahit hindi na sa ‘kin, okay lang, busy din ako, eh (sabay-tawa),” sey ng aktres.


Mensahe naman ni Ara kay Marco, “Alagaan niya sana ‘yung kapatid ko because hindi rin biro ‘yung pinagdaanan ng kapatid ko sa past niya and she deserves to be happy. I want my sister to be happy.”


Samantala, first time na makasama ni Ara sa isang pelikula si Ai Ai at puring-puri niya ang Comedy Queen sa husay na ipinamalas nito bilang isang lola na may Alzheimer’s disease.


Ginagampanan ni Ara ang papel na anak ni Lola Edna (Ai Ai) at sobrang excited siya dahil finally nga ay nakatrabaho na niya si Ai Ai.


0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page