ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | December 27, 2022
Ang tinaguriang Prophetic Witch na si Mamu Gloria Escoto ang latest subject ng vlogger/host na si Romel Chika at dinayo pa niya ito sa Cabanatuan City, Nueva Ecija para magtanong kung ano ang nakikita niya sa taong 2023 para sa mga kilalang celebrities.
Si Romel Chika ay co-host ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nilang Cristy Ferminute sa 92.3 News FM at sa Showbiz Now Na YouTube channel kasama si Wendell Alvarez.
Ang tinaguriang Prophetic Witch na si Mamu ay nai-feature na sa Kapuso Mo, Jessica Soho dahil sa mga hindi malilimutang hula nito tungkol sa Bagyong Ulysses, pagputok ng mga bulkang Mt. Pintubo at Mt. Taal, bukod pa sa 6.1 magnitude sa Luzon.
Bago nito sinimulan ang pagbabasa ng Tarot cards para sa mga personalidad na gustong itanong ni Romel Chika ay ipinagdiinan ni Mamu na gabay lang ang lahat at puwedeng maniwala at hindi.
Ang GMA’s prime talent na si Alden Richards ang isa sa mga nakitaan ni Mamu Gloria na hindi masuwerte ang showbiz career sa taong 2023.
Si Alden ay ipinanganak noong Enero 2, 1992, na ayon kay Mamu, “Sorry, ha? Sa lumabas na cards ni Alden, puwedeng mag-flop siya next year (2023). Hindi niya lucky year next year.
Lucky siya noong mga nagdaang taon, so ito ang year na hindi para sa kanya, pero sa business naman ay okay siya. Pero career… (pababa).”
Tinanong din ni Romel kung magkakaroon na ng love life si Alden.
“Wala ever. Mas (focused) siya sa pera kesa sa love life. Parang may kinatatakutan siya na posibleng bumalik sa dati (mahirap) kaya trabaho lang siya nang trabaho (ipon nang ipon). Actually, wala rin siyang napupusuan.”
Sa madaling salita, bokya pa rin ang buhay-pag-ibig ng aktor sa 2023. Pero tiyak na matutuwa ang mga fans ng binata dahil matutuloy daw ang pelikula nila ni Bea Alonzo.
May babala naman si Mamu kay Alden, “Kaya lang, kung next year (2023) nila gagawin ang pelikula na ‘to, hindi (hahakot).”
Awww!
Comments