ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 07, 2021
Ipinasilip na ng TV5 ang official trailer ng latest collab ng Cignal Entertainment, SARI-SARI at Viva TV, ang 'Di Na Muli na pinagbibidahan ni Julia Barretto — na ipinakilala bilang ‘Drama Royalty’ — kasama ang dalawang hunks ng Viva na sina Marco Gumabao at Marco Gallo.
Muli ring magkakasama ang dating magka-love team na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews, at ito rin ang first teleserye ni Andre Yllana.
Ipapalabas na ito sa September 18, Sabado, 8 PM, kapalit ng sinusubaybayan namin na Pinoy adaptation ng Encounter nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga.
Mukha namang promising ang bagong drama series ng TV5, na mula sa panulat ni Noreen Capili at sa kontrobersiyal na si Direktor Andoy Ranay.
Reaction ng mga netizens sa pagbabalik-serye ni Julia at kanyang mga leading men…
“Drama Royalty?”
“Pagbibigyan ko sana kasi baka naman ok. Pero 'di ko na tinapos ang trailer nu'ng lumabas 'yung timer sa ulo. Death note ang peg, besh? Shinigami ka, Mars? Lol. Otaku ata si writer...hehe.”
“Ang pangit ng acting ng mga leading men.”
“In fairness kay Julia, hindi nauubusan ng mga proyekto kahit puro bad publicity ang naire-report o issue sa kanya.”
“Viva na kasi siya. Pansin ko sa Viva, kahit bad publicity, ginagamit nila for their alagas recently. Kahit nga si Darryl Yap na daming issues, laging may movie.”
“Ganyan naman sa Viva, famous or infamous, kumita o hindi, sikat o hindi basta nakapirma sa kanila, may projects.”
“Taray, ginaya sa About Time (TV series) drama ni Lee Sung Kyung, lol, at kailangan ba lagi, title ng kanta ang title rin ng show?”
“Oo, kasi mas may catch 'yun.”
“Guwapo ni Marco Gumabao.”
“Ang guwapo niya at parang ang lakas niya na kaya niya akong buhatin, ahihihi.”
“It's a different plot from the usual teleserye but it didn't hold my attention & interest. Boring ng dating. Directed pa naman by the non-basura-ang-trabaho Andoy Ranay.”
“Sorry (not really), hindi ko pinanood ang trailer but I'm 100% sure na super flop ito. Lagi kasing flop ang projects ni Julia. VKJ lang ang bukod-tanging successful sa kanya.”
“Ito na 'yung quality, Andoy Ranay?”
“Natamaan siya sa kahambugan niya. 'Yung palabas niya sa iWant, rip-off ng Midnight Sun. Ito, rip-off ng K-drama. 'Yung Lena, rip-off ng lahat ng revenge drama na alam mo na kung saan papunta. Sino'ng basura ngayon?”
“Ginaya sa K-drama. Yuck! Check the K-drama na same po 'yung content. Nakikita kelan 'yung time ng tao.”
“Nope, not watching. I prefer to support people with GMRC. Ano'ng katapat na shows nito?”
“Naku, waley, just interested to see the trailer, baka ma-attract akong manood. Wala talaga, pasensiya na.”
“Anyone familiar with the animé Death Note? 'Yung mga death gods du'n, ganu'n na ganu'n ang nakikita nila sa mga tao, 'yung time written in red sa taas ng ulo.”
“Is this an adaptation of a K-DRAMA? Meron na kasi nito, eh.. Si Lee Sung Kyung 'yung bida or mas kilala as Kim Book Jo, title is About Time, search n'yo… nakikita 'yung life span. Ughh, wala na bang original story, PH?”
“Not an adaptation but a RIP-OFF. I don't think nagbayad sila para kopyahin 'yung story.”
“'Di na muli. 'Di na muling sisikat.”
“Hilaw na hilaw 'yung isang guy. Sina Marco at Julia, may chemistry talaga…”
“At may nagbibigay pa pala ng project dito sa girl na ito? She can't act and her reputation is so nega/bad/infamous.”
“In fair nga, 'di siya nawawalan. Viva baby na kasi.”
"Okay na 'yan, choosy pa ba kesa naman sa mga nawalan ng career, shows at network. Pera rin 'yan, 'wag choosy. Dapat laging grateful sa panahon ngayon.”
“Pansin ko lang du'n sa gamit ng lola niya na puwede pala manghula gamit ang pang-tong-its na baraha? Nagpapahula din kasi ako pero mga tarot cards gamit nila, hindi 'yung pang-tong-its.”
“Sobrang galing ni Julia! Sayang lang ang mga pang-skit sa high school acting nu'ng dalawang boys.”
“Marunong na umarte si Julia pero si Gumabao, wala talagang improvement. 'Yung Gallo naman, okay lang. Maayos siya ru'n sa Pamilya Ko na serye.”
“Parang hindi pa nako-color grade 'yung material. Output needs to be color graded. Or 'di magaling 'yung director of photog nila? Iba 'yung timpla ng kulay. Ang flat-flat ng mga mukha ng mga artista.”
“Umay na umay na! Puwede ba, ibang angle naman, dapat sundin ang title, 'DI NA MULI gumawa ng ganitong klase na teleserye.”
“Uhm, Julia, mag-gloves ka forever para 'di mo mahawakan kamay ng iba? Hahaha! Aabangan ko 'to, tutal maganda naman 'yung huli mong show na I am U, 'di nga lang umingay.”
Well, watch na lang natin ang 'Di Na Muli, at saka natin husgahan ang serye at ang pagtatambal nina Julia at dalawang hunks na parehong Marco.
Comments