ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 12, 2024
Photo: Anthony Jennings - Fast Talk With Boy Abunda - YT
Pinuri ni Kuya Boy Abunda ang apology statement ni Anthony Jennings.
Umpisa pa lang ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), Boy addressed Anthony’s 21-second apology video.
Ang Kapamilya actor ay simpleng nag-sorry kina Maris Racal at Jam Villanueva dahil sa ibinulgar ng ex-GF na cheating scandal nila ng aktres.
Ani Kuya Boy, “Less talk, less mistake.”
Nagustuhan daw niya ang statement ng aktor dahil simple at direkta.
“Ang detalye naman ay alam na ng sambayanan,” dagdag niya.
Walang kupas ang ganda at kabataan ni Sandara Park na isa sa mga miyembro ng K-Pop group na 2NE1.
Kamakailan, nagkaroon ng reunion concert ang grupo rito sa 'Pinas. Ang kanilang opening song ay may ganitong linya: “It’s been a long time coming, but we’re here now. And we’re about to set the roof on fire, baby. You better get yours 'cause I’m gettin’ mine.”
Si Sandara ang bagong cover girl ng Vogue SG at doon ay naikuwento niya kung bakit na-disband ang kanilang grupo.
Recently, inanunsiyo ng 2NE1 ang kanilang pagre-reunite para sa 15th anniversary ng grupo para sa bagong tour aptly titled Welcome Back.
“Nothing was planned ahead,” pakli ni Sandara sa Vogue Singapore.
“Including the sudden breakup, the surprise Coachella performance, and the 15th anniversary concert, that’s life. But one thing is for sure, all four members love being on stage together, and that’s what we’ve always wanted,” dagdag pa niya.
Tinanong siya kung tulad ng fans ay umaasa rin sa pagkakabuo ng kanilang grupo.
“I thought we would definitely come back someday. And now is the time,” sagot ng tinaguriang Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas.
Mag-iikot ang grupo sa Seoul, Manila, Jakarta, Kobe, Hong Kong, Tokyo, Pak Kret in Thailand, Kuala Lumpur, Taoyuan, Ho Chi Minh City, Macau, at Singapore — ang huli na may dalawang dates sa December.
Sey niya, “I always say that Singapore has a considerable fandom of 2NE1. We visited many times as a group back in the day for concerts, events, and commercial shoots. Until now, whenever I go to Singapore, I reminisce about those days and memories with Blackjacks.”
“The last concert was 10 years ago, but it wasn’t that difficult to prepare again,” pagbabahagi pa niya.
Ipinasa ni Claudine Barretto kay Alfy Yan ang last gift na ibinigay niya noon kay Rico Yan nang pumirma ang pamangkin ng yumaong aktor bilang miyembro ng Viva Artists Agency last December 10.
Unang napansin si Alfy noong 2020 matapos mag-viral ang kanyang mga litrato na tila kamukha ng kanyang tiyuhin.
Sa tulong ni Claudine, pumasok si Alfy sa showbiz bilang commercial model at brand endorser sa edad na 19.
Well, suot ni Alfy ang relo na huling regalo ni Claudine kay Rico bilang simbolo ng suporta at inspirasyon sa kanyang bagong career.
“Ito ‘yung last gift na ibinigay ko sa kanya for Christmas,” ani Claudine sa panayam kay Ogie Diaz.
Kasama si Claudine sa journey ni Alfy sa showbiz at todo-suporta sa bagong yugto ng buhay ng binata.
Sa relo na ito, dala ni Alfy Yan ang alaala at inspirasyon ng kanyang yumaong tiyuhin habang sinisimulan ang kanyang showbiz career.
Comments