top of page
Search
BULGAR

Sey mo, Liza? JANINE, MALA-HOLLYWOOD STAR HABANG RUMARAMPA SA TOKYO INTERNATIONAL FILMFEST

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 1, 2024



Photo: Janine Gutierrez rumampa sa International Tokyo Filmfest - IG


Personal na dinaluhan ni Janine Gutierrez ang Tokyo International Film Festival (TIFF) kung saan kasama ang movie niyang Phantosmia na idinirehe ni Lav Diaz.


Naglakad sa red carpet ang aktres habang ipinapakilala siya sa wikang Hapon.


Sa kanyang Instagram (IG) page ay makikitang naglalakad siya sa red carpet ng TIFF at naglagay ng caption na: “Another ‘pinch me’ red carpet moment. Thank you for the warm welcome for @phantosmiafilm Tokyo IFF. We hope you can catch our screenings on Nov. 2 and Nov. 5.”


Gandang-ganda ang mga netizens sa look ng anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.


Anila, “Hay, ano ba, Janine, napakaganda mo, sobraaaa. Hollywood star lang naman ang dating mo.”


Ano’ng say mo, Liza Soberano?


“Classy na classy ang ganda ni Janine, sobra!”


“You’re so pretty like your Mamita."


“You can be a superstar like your Lola Nora.”


O, ‘di ba? May pinagmanahan both on her lolas.


 

Pinabulaanan ni Ana Jalandoni na nagkabalikan na sila ni Kit Thompson. 

May nag-viral kasing post sa socmed kung saan tila kinukumpirma na sila ay muling in good terms sa isa’t isa.


Agad namang inalam ni Ogie Diaz kay Ana kung totoo nga ba ang mga kumakalat na posts.


“Kaya tinanong ko si Ana Jalandoni sa IG, tinanong ko nga kung nagkabalikan na ba sila. Fake news daw ‘yun. Wala raw siyang ganu’ng sinasabi, wala raw s’yang ganu’ng quote. Tapos, gawa-gawa lang daw ‘yun ng mga tao. Kung hindi manira, gumawa ng kuwento, o may mapag-usapan,” ang sabi raw ng aktres. 


Natanong din ni Ogie kung magkaibigan pa rin ba sila ng dating kasintahan.

“‘Di na kami nag-uusap,” ang tanging nasabi nito. 


 

NAKAKAALIW ang sagot ni Heart Evangelista sa tanong ng netizen sa kanyang ipinost na Labubu doll.


On her Instagram (IG), may uploaded video siya na binubuksan ang naka-box na Labubu.


Tanong ng isang netizen sa comment section, “Ano’ng gagawin mo, Heart, pagtingin mo sa gabi, biglang gagalaw ang mata?”


Ang bilis ng reply ng misis ni SP Chiz Escudero, “Tatapon ko kung may ganu’n na ganap.”

Nakakatakot nga kung sakaling gumalaw ito, lalo na’t malalaki ang mata at matutulis ang ngipin ng Labubu dolls.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page