top of page
Search

Sey mo, Daniel? KARLA, HUMIRIT NG MARAMING APO

BULGAR

ni Lucille Galon @Special Article | Mar. 26, 2025



Photo: Karla Estrada - Instagram


Gusto pa ni Karla Estrada ng maraming apo at ito rin ang sey niya matapos na ibahagi ang ilang mga videos at larawan mula sa binyag ng kanyang unang apo, si Baby Claudio, sa Instagram (IG). 


Si Baby Claudio ay anak nina JC Padilla at Nathalia Valdivia. 


Present din sa simpleng binyagan ang tito-ninong ng bata na si Daniel Padilla.


Sey ni Karla, “First Grandson and I want more!!!! Happy Christening Baby Claudio.” 

Narinig mo ‘yun, Daniel? Abangan! 


 

Humingi ng tulong sa socmed (social media) ang Kapuso actor na si Edgar Allan “EA” Guzman nang makitang tulala o malayo ang tingin ng kanyang fiancée na aktres na si Shaira Diaz sa eroplano matapos siyang magpakita ng puwet nu’ng rumampa sa isang fashion show ng sikat na clothing line.


Sa latest Facebook (FB) post ni EA nitong Martes, Marso 25, ipinost niya ang isang short video clip ni Shaira na naka-shades na nasa tabi ng bintana ng eroplano.


Tanong ni EA, “Guys, tulungan n’yo ‘ko! Sa tingin n’yo, tulog ba siya o iniisip lang n’ya ‘yung ginawa ko sa Bench fashion show?” 


Well, viral kasi sa socmed ang pasabog ni EA sa fashion show, kung saan nagulat si Shaira sa ginawa niya na pagpapakita ng puwet sa maraming tao. Kilala pa naman ang aktres sa pagiging conservative, kaya viral ang reaction nito.


Samantala, excited na ang mga fans ng dalawa dahil nakatakdang maganap ang kanilang kasal sa Cavite sa Agosto, 2025.

Matutuloy kaya? Abangan! Hahaha!


 

SAMANTALA, abala si Gabbi Garcia ngayon bilang Kapuso guest housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. Matapos ang kauna-unahang nomination night noong Sabado, March 22, opisyal nang inanunsiyo ni Robi Domingo ang pagpasok ni Gabbi sa bahay ni Kuya. 


Hindi makapaniwala si Gabbi na natupad na ang pangarap niyang makapasok sa PBB house. 


Ayon pa kay Gabbi, “It’s always in the back of my head na, ‘Shocks, anytime baka ipasok ako,’ pero like now, it’s happening for real. Oh, my god!” 


Pero agad siyang nag-alala nang malaman niyang pumasok siya sa panahong walang weekly budget ang mga housemates matapos silang matalo sa task. 


Kaya naman, nagulat na lang si Gabbi at sinabi kay Kuya, “Kuya, tinapat mo talaga ako sa walang weekly budget ‘yung housemates.” 


Ito ang problema ni Gabbi dahil ayon sa kanya, mahilig siyang kumain at ito ang bonding nila ng boyfriend niyang si Khalil Ramos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page