ni Lolet Abania | August 29, 2020
Isa nang severe tropical storm ang Bagyong Julian na huling namataan kaninang alas-4 ng madaling araw sa silangan ng Tuguegarao City, na may layong 850 kilometers (16.3 N, 129.6 E), ayon sa PAG-ASA.
Ayon sa datos ng PAGASA, taglay ng Bagyong Julian ang maximum sustained winds na 95kms/h malapit sa sentro at gusty winds o pagbugso ng hanggang 115kms/h at mabagal ang pagkilos nito pakanluran.
Bahagyang umiiral din ang Southwest Moonsoon o Habagat sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Nakakaapekto rin ang outer part ng Bagyong Julian sa silangang bahagi ng Luzon at Samar.
Gayundin, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat sa silangang parte ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon Province at Bicol Region. Magiging maulap naman ang Metro Manila.
Patuloy ang pagmomonitor ng PAG-ASA sa Bagyong Julian.
Коментари