top of page
Search
BULGAR

SERYE NI COCO, NAKA-44 MILLION VIEWS SA ISANG LINGGO LANG

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 9, 2023




Sinalubong ng napakaraming tao ang Primetime King na si Coco Martin kasama ang iba pang cast members ng FPJ’s Batang Quiapo sa Panagbenga Kapamilya Karavan sa Baguio City noong Sabado.


Nakipagrakrakan si Coco sa libu-libong tagahanga na nagtipun-tipon sa paligid ng Burnham Park nang kantahin niya ang Beep Beep ng Juan De La Cruz band, suot ang signature nitong porma na leather jacket at shades.


Kasama ng lead star ang iba pang cast members na sina Smugglaz, Bassilyo, Norvin at Lovely Dela Pena, Ghost Wrecker, Ryan Martin, Jojit Lorenzo, Ronwaldo Martin, Sugar Ray Mammoth, Bigmak, Baby Giant, at Sen. Lito Lapid na nagpasaya sa mga tao sa kanilang nakakatuwang mga sorpresa at pagtatanghal.


Umawit din para sa mga manonood ang dalawang ABS-CBN Star Music artists na sina Carlo Bautista and Trisha Denise bago ang pangunahing event sa programa.


Ang FPJ’s Batang Quiapo sa pangunguna nina Coco bilang “Tanggol” at Lovi Poe bilang “Mokang” ay umere simula noong Pebrero 13. Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa serye dahil nakakuha ito ng 44 milyong views sa unang linggo ng pagpapalabas.


Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay pangatlo pa lamang sa mga aabangang karavan ngayong taon na naging posible sa pagsisikap ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page