ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | June 8, 2024
Sa tuwing nakakatanggap ng pasasalamat ang inyong Senator Kuya Bong Go dahil sa mga tulong na hatid natin at sa patuloy na paglalapit natin ng serbisyo sa mga nangangailangan, paulit-ulit kong sagot na hindi ako dapat pasalamatan. Karangalan at trabaho ko ang makapagserbisyo sa aking mga kababayan.
Sapat na ang makita nating nakangiti ang mga Pilipinong naghihirap dahil sa tulong na ating naipadadala sa kanila nang walang kapalit. Gusto lang natin na makaambag sa munting paraan sa pagpapabuti ng buhay ng mga nangangailangan.
At hindi lang mga indibidwal ang naghahanap ng ayuda mula sa pamahalaan kundi pati mga grupo gaya ng mga kooperatiba. Noon ngang June 6 sa Legazpi City, Albay, naghatid tayo ng tulong sa 23 kooperatiba mula sa Bicol region. Bukod pa rito ang benepisyo mula sa “Malasakit sa Kooperatiba” program ng Cooperative Development Authority o CDA na ating isinulong na mapondohan bilang vice chair ng Senate Finance Committee.
Malaking tulong ang isang kooperatiba sa mga miyembro nito, sa mga komunidad, at sa ating ekonomiya kaya isinusulong natin ang kapakanan ng mga ito. Co-author at co-sponsor tayo ng Republic Act No. 11502, o ang National Cooperative Month Act, na nagtakda sa buwan ng Oktubre bawat taon bilang National Cooperative Month. Bukod dito, co-author at co-sponsor din tayo ng RA 11535, na nagtatakda para magtalaga ng Cooperatives Development Officer sa mga munisipyo, lungsod at lalawigan.
Sa Albay pa rin, naghatid tayo ng tulong sa 2,000 kuwalipikadong mahihirap na miyembro ng TODA sa Legazpi City at Daraga. Ito ay tulong pinansyal na hatid natin kaagapay ang lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Governor Grex Lagman.
Nais ko ring ibalita sa inyo na katuwang natin sa pagmamalasakit ang nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts and Philippine Cinema na si Nora Aunor. Nagpadala ng video message si Ate Guy para magpasalamat sa aniya’y milyun-milyong natulungan ng ating mga inisyatiba. Salamat, Ms. Nora, dahil inspirasyon kayo sa napakaraming mahihirap na Pilipino. Asahan ninyo na hindi ako titigil sa pagseserbisyo.
Habang nasa Bicol naman tayo noong June 6 ay dumalo rin tayo sa 2nd Bicol Social Media Summit 2024 na ginanap sa Casablanca Convention Center, Legazpi City. Naging guest speaker din tayo sa Southern Luzon Technological College Foundation Inc. 29th Commencement Exercises para sa mga nagtapos sa kolehiyo, at sa 8th Commencement and 7th Completion Exercise para sa high school sa paanyaya ni SLTCFI President and Legazpi City Water District Board Member Rosemarie Qunito-Rey. Sinaksihan natin ang inagurasyon ng New Legazpi Evacuation Center na nasa Barangay Banquerohan. Ang proyekto ay napondohan sa ating pamamagitan.
Panauhin din tayo sa gabing iyon pagbalik ng Maynila ng Philippine Councilors League (PCL)-Romblon Chapter General Assembly na ginanap sa Bayview Park Hotel Manila, sa paanyaya ni Secretary General Councilor Melwin Punzalan.
Samantala, nasa Bohol tayo noong June 5 at nag-inspeksyon sa Super Health Center sa Panglao, gayundin sa Dauis. Pinangunahan din natin ang pagkakaloob ng tulong sa 522 residenteng nawalan ng hanapbuhay sa Panglao, at 522 din sa Dauis. Ang mga benepisyaryo ay nabigyan naman ng DOLE ng pansamantalang trabaho. Naging panauhin din tayo sa Liga ng mga Barangay - Bohol Chapter Provincial Congress na idinaos sa Bohol Tropics Resort sa Tagbilaran City, sa paanyaya ni Provincial Board Member Romulo Cepedoza.
Kahapon, June 7, guest speaker naman tayo sa Saint Amatiel Education System Graduation Ceremony na ginanap sa PICC sa paanyaya ni President and CEO Pepito Trumata.
Tuluy-tuloy din ang aking Malasakit Team sa pagtulong sa ating mga kababayan. Maagap tayong umalalay sa walong residenteng nasunugan sa Baguio City. Naayudahan natin ang 500 mahihirap na residente ng Dipolog City kabalikat si Mayor Darel Uy, at nakatanggap din ang mga ito ng karagdagang tulong mula sa national government.
Hindi natin kinaligtaan ang mga nawalan ng hanapbuhay at nabigyan ng tulong ang 73 sa Brgy. Pilar, Las Piñas City katuwang si Brgy. Capt Ronnie Fuentes; 84 sa Nasugbu, Batangas kaagapay si Provincial Board Member Armie Bausas; 111 sa Calintaan, Occidental Mindoro at nakasama natin si Mayor Dante Esteban; 687 sa Taguig City kasama sina Mayor Lani Cayetano at Congressman Ading Cruz; 147 sa Pateros kaalalay si Capt. Joven Gatpayat; 111 sa San Isidro kasama si Mayor Lamberto Domiños at 111 din sa Sta. Monica kasama si Mayor Arwela Dolar, mga lugar sa Siargao, Surigao del Norte; at 726 sa Makati City sa pakikipagtulungan ni Congressman Kid Peña. Nabigyan din sila ng pansamantalang trabaho ng Department of Labor and Employment.
Minsan lang tayong dadaan sa mundong ito. Kung anong kabutihan o tulong na puwede nating gawin sa ating kapwa ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito.
Bilang inyong Mr. Malasakit, magtatrabaho ako para sa mga Pilipino at tutulong sa abot ng aking makakaya. Bibisitahin ko kayo saan mang sulok ng bansa basta kaya ng aking katawan at oras. Bisyo ko na ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comments