top of page
Search

Serbisyo at benepisyo, tiyaking naibibigay sa mga senior citizen

BULGAR

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 23, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nitong Lunes, nagdaos ng prayer rally ang libu-libong senior citizen sa Senado upang ipanawagan ang pagpasa ng universal social pension.


May panukalang batas na naglalayong palawakin ang saklaw ng social pension na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga senior citizen.

Sa halip na mga indigent senior citizen lang, nais ng universal social pension bill na gawing lahat ng Pilipino edad 60 pataas ang makatanggap ng P500 kada buwan na pension. Balak din na gawing P1,000 ang pension na ito sa loob ng limang taon.


☻☻☻


Humaharap sa inseguridad ang ating mga nakatatanda dahil sa wala na silang trabaho, ngunit hindi naman tumitigil ang gastusin gaya ng para sa pagkain at gamot.


Kaya’t mabuting ideya rin na mabigyan ng kahit anong suporta ng pamahalaan ang mga senior citizen upang matulungan sila sa kanilang pamumuhay.


☻☻☻


Nararapat din na hindi na pinahihirapan ng pambansa at lokal na pamahalaan ang mga senior, lalo na pagdating sa mga serbisyong ibinibigay nito.


Halimbawa sa ayuda, sa halip na pinapapila sila at pinaglalakbay pa, mas mabuting ang pamahalaan na ang lumalapit upang masiguro rin na ligtas sila. 


Kung kaya, dapat bahay-to-bahay delivery o hindi kaya sa mismong komunidad ginagawa ang mga serbisyo.


☻☻☻


Ang turo sa akin ng aking amang si former Makati mayor at Vice President Jojo Binay, kailangang pagsilbihan nang maigi ang mga nakatatanda bilang pasasalamat at pagtanaw natin ng utang na loob sa matagal nilang pagseserbisyo.


Ito ang dapat na isinasaisip lalo na ng mga lokal na pamahalaan upang masigurong hindi napapabayaan at napag-iiwanan sa serbisyo at benepisyo ang sektor na tunay na nangangailangan ng suporta at kalinga.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page