top of page
Search

Senyales ng ‘endemicity’ sa ‘Pinas, nakikita na — health expert

BULGAR

ni Lolet Abania | April 6, 2022



Nakikitaan na ang Pilipinas ng mga palatandaan ng pagpapalit o shifting mula sa pandemic patungo sa endemic state dahil ito sa napabuting healthcare utilization rate at bumababang kaso ng COVID-19, ayon sa isang infectious disease expert.


Sa ginanap na Laging Handa briefing ngayong Miyerkules, ipinaliwanag ni Dr. Edsel Salvana na ang transisyon para sa isang endemic situation ay hindi madali dahil dumaraan ito sa isang gradwal na proseso.


Gayunman aniya, dahil sa mabababang healthcare utilization rate at mga bagong kaso ng COVID-19 na nai-record, maaaring ang bansa ay sumusulong na patungo sa endemic state.


“Nakikita na naman natin ‘yung signs of endemicity dito na hindi na nape-pressure ang ating healthcare system, manageable na, meron tayong mga lunas para dito, and we know how to prevent it with our masks and our vaccines,” sabi ni Salvana.


“In a way, nagiging endemic na siya. Every single day na the cases remain low, that’s a step forward towards endemicity,” dagdag niya. Nitong Martes, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 225 bagong COVID-19 impeksyon, ang pinakamababang COVID-19 tally ngayong taon na ayon pa sa ahensiya, ang nationwide caseload na naitala ay nasa 3,679,983.


Base sa latest data ng DOH, ang bed occupancy sa bansa ay nasa 16.9%, na may 5,592 beds na okupado, habang 27,579 naman ang bakante. Una nang binanggit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang endemic, “a state wherein cases are stable, already constant, and predictable.”


Dahil dito aniya, dapat na may balanse sa pagitan ng lebel ng transmission at immunity. Paalala naman ni Salvana sa publiko na mahalaga pa rin na manatiling mapagbantay habang patuloy na sumunod sa minimum public health standards.


“Andiyan naman ang ating safeguards. ‘Wag lang sana talaga magsasawa ang mga tao sa paggamit ng masks at magpa-boost na talaga sila para at least mas marami tayong layers of protection,” sabi pa ni Salvana.


0 comments

Recent Posts

See All

Komentari


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page