top of page
Search
BULGAR

Senior citizens, next na sa COVID vaccine

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 20, 2021




Inaasahang darating sa bansa ang tinatayang 2.3 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ngayong Marso at Abril, ayon sa panayam kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. kaninang umaga, Marso 20.


Aniya, “Meron tayong parating na 400,000 this coming March 24, and then meron pa ring parating na 1 million this coming March 29. So meron tayong 1.4 million and then may paparating pa tayo na 979,200 AstraZeneca from COVAX naman po 'yun.”


Inaasahan ding sa Abril ang pagdating ng 4 milyong doses ng Sputnik V at Sinovac COVID-19 vaccines na nakalaan para sa mga senior citizen na kabilang sa category A2.


Paliwanag pa niya, ang category A1 hanggang A4 ay ang listahan ng mga nasa priority sa ilalim ng vaccination program. Giit niya, “Kasi 'yung private sector po, 'yung kanilang frontliners, nasa A4. Ang gagawin po namin ng national government at local government, we will concentrate on A1, A2, A3 and then the private sector will concentrate on their frontliners sa A4.”


Dagdag pa niya, posible ring dumating sa Mayo ang mahigit 20 milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccines.


“Sa Moderna, nai-close na natin ang deal for 20 million pero 'yun po ay May pa madadala ang bakuna sa atin. 'Pag nag-close po tayo ng deal, umaabot po ‘yan ng 4 to 6 months ang preparatory ng production.”


Ipinaliwanag din niya, hindi puwedeng madaliin ang pagbabakuna sa bansa dahil bago lamang ang mga bakuna at kailangan pang obserbahan ang adverse reaction sa mga nabakunahan.


Sabi pa niya, “Ang mga ospital pa lang ang nagbabakuna. 'Pag nagbakuna na mga LGU ay kayang-kaya natin ang 1 million sa isang linggo.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page