top of page
Search
BULGAR

Senior at mga bata, ingatang ‘wag magkasakit

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 9, 2023


Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga may sakit na pneumonia.

Ito ay kasunod ng ulat mula sa Philippine General Hospital na dumarami ang tinatanggap nito na maysakit na pneumonia makalipas ang mahigit apat na buwan mula nang alisin ng pamahalaan ang public health emergency ng COVID-19 sa Pilipinas.


Dagdag pa ng PGH, pawang mga sanggol at senior citizens ang karamihan sa mga indibidwal na tinatamaan ng sakit na pneumonia at kasalukuyang naka-admit ngayon sa PGH.


☻☻☻


Dahil nga tumataas ang bilang ng mga pneumonia patients sa PGH, nanawagan ang pamunuan ng nasabing ospital sa iba pang mga local government unit hospitals na kung maaari ay ito na lamang ang umako sa iba pang mga pasyenteng tinamaan ng pneumonia.


Ito ay upang mas mabigyan ng kaukulang atensyong medikal ng PGH ang ibang mga pasyenteng mayroong severe condition.


Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, ang pagdami ng pneumonia patients ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaubusan na ng mga kama sa kanilang pagamutan, na para sana sa iba pang mga pasyente nitong dumaranas ng ibang sakit tulad ng cancer, stroke, at inatake sa puso.


☻☻☻


Ayon naman kay DOH Undersecretary Enrique Tayag, hinihintay nila ang report ng PGH kung ang pagdami ng pneumonia cases ay dahil sa mycoplasma pneumoniae.


Dagdag pa niya, tinatawag na “walking pneumonia” ang mga ganitong kaso ng sakit dahil hindi umano aakalain ng isang tao na tinamaan nito na mayroon pala siyang pneumonia.


Dahil na rin walang kaalam-alam na nagkaroon na pala ng naturang sakit, patuloy pa ring nakikisalamuha sa iba at pumapasok sa trabaho ang isang indibidwal na maaaring infected na nito.


Kaya naman hinihimok natin ang lahat ngayong paparating na Pasko at mga pagtitipon mag-ingat lalo na ang mga vulnerable at mga bata.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask kung kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe.


Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page