ni Lolet Abania | August 2, 2021
Sinuspinde ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang plenary sessions mula Agosto 9 hanggang 11 kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ).
Subalit ayon sa mensahe ni Zubiri sa mga reporters, pag-uusapan pa nila kung isususpinde rin ang mga committee hearings.
“I’m checking lang about committee hearing kung puwede pa. Ang mahirap kasi sa hearings, we still need stenographers and of course they can’t come to the Senate, so paano na ‘yan? Wala naman silang equipment sa bahay. So, baka ‘yan, wala rin,” ani Zubiri.
Ang Metro Manila ay isasailalim sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 upang hindi na kumalat pa ang mas nakahahawang Delta COVID-19 variant. Gayunman, mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5, ang naturang rehiyon ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions.”
Comments