top of page
Search
BULGAR

Senador, binigyan ng Iconic Movie Actor of Phil. Cinema award… FAMAS, PINAGMUMURA, TINAWAG NA BULOK AT WALANG KREDIBILIDAD DAHIL KAY ROBIN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 29, 2024


Showbiz News
File photo: FamasAwardsOfficial / IG

Inuulan ngayon ng samu't saring pambabatikos ang mga bumubuo sa prestihiyosong FAMAS Awards matapos ang ginanap na awards night nu'ng Linggo sa Manila Hotel.


Kung kelan naman 72 years na ang FAMAS na itinuturing na Filipino version ng Oscar Awards, saka pa naging kontrobersiyal ang kanilang awards night, kung saan binabato sila ngayon ng masasakit na salita ng mga netizens dahil sa kanilang sablay at kapalpakan.


Unang issue nga ay ang diumano'y pambabastos na ginawa ng FAMAS production team sa respetadong veteran actress na si Ms. Eva Darren na matapos imbitahin bilang presenter ng award kasama si Tirso Cruz III, last minute ay pinalitan ng young singer.


Ang katwiran at pahayag ni Direk Vince Tañada na siyang director ng event, hindi nila mahanap si Ms. Eva Darren nu'ng time na kailangan na nitong mag-present ng award. At dahil naka-live streaming sila, no choice raw kundi maghanap na lang ng replacement nito.


Pangalawang issue ay ang pagkaka-tie nina Piolo Pascual (for Mallari) at QC Councilor Alfred Vargas (for Pieta) sa Best Actor Award.


Bagama't magaling din namang aktor si Konsi Alfred, may ilang 'di kumbinsido na ka-tie ito ni Piolo dahil ang bet nila ay si Dingdong Dantes para sa Rewind.


Although nanalo rin naman ng Bida sa Takilya Award (na katumbas ng Box Office King and Queen) ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera para sa box office success ng kanilang last year's MMFF entry na Rewind.


Pangatlong issue ng pamba-bash sa FAMAS ay ang Iconic Movie Actor of Philippine Cinema award na ibinigay nila kay Sen. Robinhood Padilla.


Nagmistulang mga dragon ang ilang netizens sa pagbabato ng umaapoy na komento laban sa pamunuan ng FAMAS dahil sa award na ito ng aktor.


Kahit pa napakarami nang pelikula ang naging kontribusyon ni Robin sa local cinema, ang dami pa ring pumalag sa kanyang Iconic Movie Actor award.


Ilan lang sa mga comments na nabasa namin… "Iconic dahil ex con, naging senador?"


"Magkano po bili ni ROBIN n'yan? Hahaha!"


"Walang ambag sa Senado, nabili pa ng award."


May ilan pang pinagmumumura ang FAMAS at tinawag na bulok at walang kredibilidad.


Tingnan natin kung paano sasagutin isa-isa ng pamunuan ng FAMAS ang mga akusasyon at pamba-bash sa kanila. 


In the case of Sen. Robin, maaaring dedmahin na lang niya ang kanyang mga bashers lalo't sanay na sanay na siya d'yan, devah naman, Ms. Mariel Padilla?

 


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page