ni Angela Fernando - Trainee @News | January 28, 2024
Nagpahayag ng pagkadismaya si Senadora Nancy Binay nitong Linggo dahil sa kanyang tinawag na 'pekeng' inisyatibong pambayan para isulong ang Charter Change (Cha-cha) dahil magdudulot ito ng negatibong implikasyon sa ekonomiya.
Iginiit ni Binay sa isang pahayag na hindi dapat inguso ang Senado na nasa likod ng people's initiative dahil nananatiling totoo ang Mataas na Kapulungan sa pagharap sa mga isyu ng 'Pinas.
Saad niya, “Dapat alam po ng mga taong nasa likod ng people’s initiative na may negatibo at direktang impact ang mga ganitong patagong galawang Cha-cha sa ating ekonomiya, pero itinuloy pa rin nila.”
Idinagdag din ng Senadora sa parehas na panayam na ipinakita na ng Senado ang kanilang posisyon na 'pro-development' at 'pro-progress', tulad ng nakita sa pagpasa ng mga batas tulad ng Public Services Act (PSA), Foreign Investments Act (FIA), at ang Retail Trade Liberation Act.
Comments