top of page
Search
BULGAR

Sen. Robin, ‘di kasama sa pinasalamatan ni VP Sara, anyare?

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 7, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PINASALAMATAN NI VP SARA SINA SENATORS BONG GO, BATO DELA ROSA AT IMEE MARCOS PERO SI SEN. ROBIN PADILLA, HINDI -- Nitong nakalipas na Dec. 5, 2024 ay pinasalamatan ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sina Senators Bong Go, Ronald Dela Rosa at Imee Marcos na nagpakita ng suporta sa kanya habang nasa krisis ang Office of the Vice President (OVP).


Aba teka, bakit sina Senators Bong Go, Bato Dela Rosa at Imee Marcos lang at hindi nakasama si Sen. Robin Padilla sa pinasalamatan ni VP Sara?


Kaalyado kasi ng pamilya Duterte si Sen. Padilla, kaya ang tanong: Nakalimutan lang kaya o sinadya ni VP Sara na huwag pasalamatan ang actor-turned politician? Boom!


XXX 


MAINIT NA ISYU ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA KAYA’T IMPOSIBLENG HINDI ITO NAPAG-USAPAN NINA PBBM AT MGA CONG. SA MALACAÑANG --Imposible ang sinasabi ng Malacañang at mga kongresista na hindi napag-usapan nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at mga House member ang impeachment kay VP Sara nang magtungo sa Palasyo ang mga ito noong Dec. 4, 2024.


Mainit na isyu kasi ang impeachment kaya huwag “ungguyin” ng mga taga-Malacañang at mga taga-Kamara na hindi nila ito napag-usapan sa Palasyo, period!


XXX


DAMING MAGPA-PASKONG TUYO KASI ANG DAMING NAWALAN NG WORK -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mula nitong buwan ng Oktubre 2024 hanggang Nobyembre 2024 ay 3.9 % o katumbas ng 1.97 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho.


Sa rami ng mga nawalan ng work, at dahil panahon na ngayon ng Kapaskuhan, ay asahan nang maraming pamilyang Pinoy ang makakaranas ng “Paskong Tuyo,” tsk!


XXX


IBASURA ANG MGA PARTYLIST NA HINDI RAMDAM SA PANAHONG HUMIHINGI NG TULONG ANG MGA BIKTIMA NG BAGYO AT BAHA -- Maraming kalamidad ang tumama sa bansa ngayong taon, ang daming mga Pinoy na nasawi at nawalan ng ari-arian at bahay dulot ng mga pananalasa ng bagyo at baha, at next year ay idaraos na ang May 2025 midterm election.


Ang nais nating ipunto rito, dapat ibasura ng mga botante ang mga partylist representative na hindi ramdam ng mamamayan sa panahon na humihingi ng tulong ang mga biktima ng bagyo at baha, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page