top of page
Search
  • BULGAR

Sen. Lito, nanliligaw daw talaga kay Lorna… “IPAGDASAL NATIN NA WALANG MALING DESISYON NA MAGANAP” - LOLIT

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 26, 2024


Showbiz News
IG / Lolit Solis

Kay ‘Nay Lolit pa rin, sa kanyang recent post ay kinumpirma niyang talagang nanliligaw ngayon si Sen. Lito Lapid sa Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni ‘Nay Lolit na pinadalhan siya ng envelope ng action star/pulitiko at duda nga niya ay dahil ‘yun sa influence ni LT.


“Nagpadala ng birthday envelope si Lito Lapid sa akin. Ngayon lang ako nakatanggap ng gift mula kay Lito Lapid, kaya naisip ko, baka dahil ito sa influence ni Lorna Tolentino,” aniya.


“Aminin na natin na nagpapalipad-hangin si Lito Lapid kay Lorna Tolentino,” she revealed.


Ayon sa manager ni LT, nasa alaga na raw niya ang desisyon tungkol dito.


“Well, si Lorna lang ang puwedeng mag-decide sa love life niya. Kung makakaabante si Lito Lapid, na kay Lorna lang desisyon.


“Hindi ko lang ma-comprehend kung sakali na nagkaroon siya ng Ysabel kay Michelle Ortega, at ngayon naman, lumiligaw siya kay Lorna Tolentino,” anang veteran showbiz writer/talent manager.


Hiling lang daw niya ay walang maging maling desisyon na mangyari if ever.


“Basta everything will fall into its proper place. Kung alin ang mabuti para sa isa’t isa, iyon ang mangyayari. Ipagdasal natin na walang maling desisyon na maganap. Iyon sana, lahat masaya. Walang agrabyado. Walang naapi o naisahan. Be happy, para bongga,” sey pa ni ‘Nay Lolit.


Magkapareha sina LL at LT sa FPJ’s Batang Quiapo at nag-click sa mga manonood ang kanilang tambalan. PriManda nga ang tawag sa tandem nila na kuha sa mga pangalan ng karakter nila sa serye na Primo at Amanda.


 

Kalimutan na raw ang nakaraan… LOLIT, TODO-PAKIUSAP KAY GABBY NA MAGING FRIENDS NA ULI SILA





Bagama't masayang-masaya ang veteran showbiz writer and talent manager na si Lolit Solis sa pagdalo ng mga bigating stars, politicians and friends sa nakaraang birthday lunch niya, inamin niyang hindi kumpleto ang kaligayahan niya dahil wala ang kanyang dating alagang si Gabby Concepcion. 


“Kahit na very happy ako sa birthday lunch ko, mas buo sana ang ligaya ko kung nagpunta si Gabby Concepcion. Talagang nang makita ko lahat ng alaga ko, pumasok sa utak ko na sana, dumating si Gabby para kumpleto sila lahat,” ang pahayag ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram post.


Kahit nagkaroon ng kontrobersiya sa kanila noon na humantong nga sa paghihiwalay nila, sey ni ‘Nay Lolit ay wala naman silang bad blood ni Gabby.


“In fairness, kahit noong kainitan ng paghihiwalay namin as manager/talent, wala kang narinig na masamang salita between us. At iyon trust ni Daddy Rolly Concepcion sa akin, hindi nawala. Saka siguro naman, maganda na ang mga buhay at career namin, plus the maturity na inabot namin kaya dapat, kalimutan na ang lahat,” aniya.


Sa huli ay nagbigay ng mensahe si ‘Nay Lolit kay Gabby na kalimutan na nila ang nakaraan at sana’y maging magkaibigan silang muli.


“Kung napanatili namin ni Nanette Medved na maayos ang lahat sa aming dalawa mula pa noon hanggang ngayon, bakit hindi kami magkakaayos ni Gabby Concepcion? Kalimutan na natin ang nakaraan, Gabby, we can be good friends. No bad blood, no dark past. Friends please para bongga. Hope to see and talk with you soon, bongga,” panawagan ni ‘Nay Lolit kay Gabby.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page