ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 29, 2024
Photo: Neri Naig - FB
Naglabas ang dating senador na si Kiko Pangilinan ng matatapang na salita ukol sa kaso ni Neri Naig.
Sa comments section ng post ng mister ni Neri na si Chito Miranda ay nagkomento ang mister ni Megastar Sharon Cuneta.
Ani ng dating senador (as is), “Narito kami handang tumulong Chito. Ang product endorser ay isang talent at hindi dapat mananagot sa iligal na gawain ng may-ari at management ng isang korporasyon.”
Aniya pa, “Biktima rin si Neri tulad ng ibang nabiktima nu’ng mga estafador sa likod ng kumpanya, habulin dapat ‘yung mga may ari. Nawa'y ma-dismiss o maibalik ang kaso sa piskalya para sa preliminary investigation at ma-lift o ma-quash ang arrest warrant (with prayers emoji).”
Maraming supporters ng celebrity couple ang nagpasalamat sa ginawang pagsuporta ng dating mambabatas sa mag-asawa. Hangad ng mga ito na malampasan ni Neri ang kasong kinakaharap na hindi naman siya ang may gawa.
Sey ng isang netizen, “Ramdam mo na mabuting tao s’ya.”
Ang dasal ni Chito: “Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito, kawawa naman ‘yung asawa ko.”
Wika pa ng Parokya ni Edgar vocalist, “Never nanloko si Neri, at never s’ya nanlamang sa kapwa.”
So far, ang latest isyu kay Neri ay nakapagpiyansa na umano ito sa isang kaso, pero
mananatiling nakakulong pa rin dahil umano sa syndicated estafa.
Matapos i-unveil ni Anne Curtis ang Madame Tussauds wax figure niya ay may kuwelang mensahe siya para sa mga OFWs (overseas Filipino workers).
Ang nasabing unveiling ng wax figure ni Anne ay naganap sa Makati City although it's set to be displayed at Madame Tussauds Hong Kong.
Sa panayam kay Anne ay nagbigay siya ng amusing message sa mga OFWs sa Hong Kong.
Sey niya, “Alam kong February pa ang birthday ko. Tuwing January, magme-message na, magtu-tweet (X), magpe-Facebook (FB), Instagram (IG) caption na ‘yung mga kababayan natin ng ‘Hindi na ako makakauwi for your birthday.’ Pero okey lang, madadalaw n’yo naman s’ya [her wax figure] sa Madame Tussauds.”
Ex mo, Nadine, gagawa ng serye… JAMES, NILAIT DAW ANG SHOWBIZ NOON, BALIK ULI NGAYON
Nag-post na ang Dreamscape para sa comeback teleserye ng FIl-Am actor-singer na si James Reid. Na-meet na ng actor ang Dreamscape bosses para sa 2025 project na kanilang gagawin.
Komento ng mga netizens:
“Ibabalik din pala sa Kapamilya ang ex ni Nadine Lustre.”
“Kayod James, para mabawi ‘yung nawala sa Careless.”
Tila may pinariringgan naman ang isang commenter, “At least, nagtatrabaho, hindi kumagat sa sugal.”
“Ang tanong, may kumuha ba? Hindi naman fit si James gawing endorser du’n, alam ng marami na marami s’yang utang,” sagot ng isa.
“Sana lang, ‘wag topakin ng katamaran. Medyo sablay ‘yan sa work ethics, eh, ‘di nga magising nu’ng nag-host sa ST tapos pag-present naman, walang ka-energy-energy. Mas magaling pa si Ryan (Bang) sa impromptu.”
“Hahaha! At least si James, clean money. ‘Di galing sa pag-promote ng gambling.”
“Good for him, although it’s sad naloko s’ya, it made him humble.”
“Learning experience and I hope he did learn. He looks good, bagay sa kanya ‘yung medyo chunky.”
“Grabe ang privilege ng mga tulad ni James Reid sa Pinoy showbiz. ‘Yung hindi ka marunong mag-Tagalog, hinamak mo pa ang Pinoy culture at Pinoy Entertainment, tapos sa kabila ng mga ‘yun, may reward ka pa mula sa industriya.”
Ipinagtanggol naman siya ng kanyang fan, “‘Di n’ya hinamak ang showbiz, nagsabi s’ya ng experience n’ya sa LT (love team) culture, saan du’n ang hinamak? Totoo naman lahat ng sinabi n’ya, sarili n’ya ‘yung experience. Ano’ng gusto mo? Magsinungaling ‘yung tao, eh, s’ya, nakaranas nu’n. Between him and LS (Liza Soberano), mas marami ‘yung nasabing mali.”
Comments