SEN. GRACE, IBINULGAR NA NAKATANGGAP PA RIN NG DATUNG MULA KAY FPJ KAHIT PATAY NA
- BULGAR
- Aug 21, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 21, 2020

A day before ng birthday ni Da King Fernando Poe, Jr. ay naikuwento naman ni Sen. Grace Poe sa Kapihan sa Manila Bay forum kung gaano ka-generous at hilig tumulong sa kapwa ang kanyang ama kahit nasa kabilang buhay na.
"Alam n’yo, maraming naging kaibigan ang tatay ko, mga naging katrabaho niya noon. Ilan sa kanila, buhay pa ngayon at may mga nanghihingi ng tulong-pinansiyal. Ang ginagawa ko, dahil hindi ko naman sila mahindian, 'yung kinikita ko bilang senador, du'n ko kinukuha ang ipinantutulong ko," panimula ni Sen. Grace.
Eh, hindi naman daw kalakihan ang kita niya, kaya may mga pagkakataon na dumarating at lalapit sa kanya, kulang naman ang puwede niyang itulong.
"Then, isang beses, may nanghingi ng tulong, bumalik uli dahil siguro talagang matindi ang pangangailangan, nag-pray ako at sabi ko sa tatay ko, ‘Parang tuluy-tuloy na ito,’ na magiging puntahan ako ng mga nangangailangan niyang kaibigan.
"Alam n’yo ba, nu’ng mismong oras na iyon, nakatanggap ako ng message mula sa mommy ko. May ibibigay daw siya," kuwento niya.
Meron daw holding company ang kanyang mom na si Ms. Susan para sa iba’t ibang negosyo na itinayo ng pamilya nila noon pa.
"Mula nang mag-start ‘yung lockdown, pinapadalhan niya ako mula sa kita ng holding company. Pero nu’ng time na ‘yun, bigla siyang nag-decide na padalhan ako ng isang generous amount."
Dugtong pa niya, "Sabi ko, oh, my God! Sobrang laki nito na puwede nang masagot ang lahat ng assistance na hinihiling mula sa akin. Para ko tuloy narinig ang tatay ko na nagsasabing, '‘Wag mo nang indahin ‘yan, maliit na bagay lang ‘yan. Eto naman, meron (laging solusyon).'”
Nangyari raw 'yun nu'ng araw na may kaibigan si Da King na humihingi ng tulong sa kanya.
"Du’n ko natiyak na laging nandiyan si FPJ, patuloy na nagbabantay sa amin.”
Bigla tuloy naming naalala ang kaso ng dating child star at sidekick actor na si Boy Alano na nakatrabaho ni Da King sa ilang pelikula gaya ng Ikaw Ang Mahal Ko sa direksiyon ni Tony Santos.
Nabalita kasing inilapit ng Superstar na si Nora Aunor si Boy kay FDCP Chair Liza Diño-Seguerra para tulungan, bagama't tinutulungan na rin naman siya ni Nora.
Kung buhay pa si Da King, for sure, 'di niya pababayaan si Boy Alano.
Comments