ni Nitz Miralles @Bida | May 22, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_5078d9946561476b9472fb3d5e29d852~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_5078d9946561476b9472fb3d5e29d852~mv2.jpg)
Binisita namin ang Instagram ni Sen. Chiz Escudero at nakakatuwa ang mga nabasa naming comments tungkol sa bagong tattoo na kilay ng senador.
The mere fact na hindi nito binubura ang mga comments, ibig sabihin, okay lang kay Chiz na pag-usapan ang kanyang kilay.
Mas marami naman ang nagbabasa at natutuwa sa kanyang mga ipino-post na hindi niya susuportahan ang any bill that will impose new taxes.
Sabi nito, "If new tax proposals are being assembled, I would ask the President to please press the 'pause' button," at marami ang nag-agree sa kanya.
Anyway, hindi naman pamba-bash ang comment na "I'm just here for the kilay," at saka, 'yung nag-comment na mas guwapo pa rin si Chiz sa dating kilay, kung kaya't inaway ito ng mga netizens.
Seryoso nga naman ang post ni Chiz tungkol sa proposals ng gobyerno to buy back assets na dating pagmamay-ari ng gobyerno na Chinese na ang may-ari ngayon.
Magdahan-dahan daw ang gobyerno dahil sabi nga ni Chiz, "It might send a wrong signal to existing potential investors."
Ang dami naming natututunan sa mga posts ni Chiz. Kaya tama ang mga netizens na sawayin ang isang pabidang netizen na isinali sa seryosong usapan ang bagong kilay ni Chiz.
Comments