top of page
Search
BULGAR

SEN. BONG, UMAPELA KAY P-BBM NA ‘WAG SUSPENDIHIN ANG IT’S SHOWTIME

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 30, 2023



Super-daming bisita sa ginanap na 57th birthday at 50th anniversary sa showbiz ni Sen. Bong Revilla last Monday night sa Okada Manila.


Patunay lang ito kung gaano ka-well-loved ng showbiz at ng mundo rin ng pulitika ang isang Bong Revilla. Tunay ngang masasabi na ‘Idol Ko si Bong!’


Hindi naman kataka-taka kung bakit maraming nagmamahal kay Sen. Bong.


Napakarami niyang natutulungan na mga taga-showbiz na nawawalan ng trabaho at talaga namang isa siya sa mga actor na may malaking malasakit sa industriya tulad din nina Sen. Robin Padilla, Sen. Lito Lapid, Coco Martin atbp..


At bilang malasakit nga sa mga manggagawa sa showbiz industry, nanawagan si Sen. Bong sa Office of the President (OP) na ikonsidera ang mga ‘no work-no pay’ na empleyado ng It’s Showtime sakaling umabot dito ang apela mula sa pagkakasuspinde ng MTRCB.


Ang hakbang na ito ni Sen. Revilla ay bunsod ng ginawang pagbasura ng Movie and Television Review and Classification Board noong Huwebes sa isinumiteng Motion for Reconsideration ng ABS-CBN Corporation at ng GMA Network, Inc. para sa noontime variety show na It’s Showtime.


“Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan ng mga maliliit na staff at crew ng naturang show na wala namang kinalaman at kasalanan sa mga nangyari," paliwanag ng senador.


Binigyang-diin ni Sen. Bong na hindi niya pinakikialaman kung anuman ang kahihinatnan ng kaso ngunit labis umano siyang nababahala sa kalagayan ng mga manggagawa na labis na maaapektuhan partikular ang mga magulang na may pinag-aaral na anak.


“Sila ‘yung mga 'no work-no pay' na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at walang kakainin, lalo pa at kabubukas lang ng klase. Paano na ‘yung mga batang nag-aaral na umaasa lamang sa magulang na empleyado ng naturang show?” himutok pa ni Sen. Revilla.


Naniniwala siya na magsusumite ng apela ang ABS-CBN at GMA sa OP sa loob ng 15-day period na pinapayagan naman at buo umano ang kanyang kumpiyansa na kapag na-review ang pangyayari ay iiral na ang humanitarian considerations.


"I think lessons have been learned. Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don't punish those working hard day in-day out just to eke out a living," pagwawakas pa ng simpatikong senador.


May punto naman talaga si Sen. Bong na kung nagkamali man sina Vice Ganda at Ion Perez kaya pinatawan ng suspension ang It’s Showtime, hindi dapat madamay ang mga bumubuo sa show.


Boom, ganern!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page