ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023
Binigyang diin ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ang kanyang suporta sa paghingi ng Office of the Vice President ng confidential funds ngayong Huwebes, Nobyembre 9
Ayon sa kanya, merong confi funds ang opisina ng Pangulo kaya walang masamang pagbigyan si VP Inday Sara Duterte sa kanyang kahilingan.
Dagdag nito, mga kalaban ng estado ang makikinabang kung walang pondo ang OVP.
Matatandaang ang OVP at Department of Education (DepEd) na parehas pinamumunuan ni Sara Duterte ay nanghihingi ng umaabot sa P650-milyong confidential funds para sa darating na taong 2024.
Comments