ni Angela Fernando @News | Oct. 3, 2024
Nagpahayag si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa nitong Huwebes na posibleng nakipag-ugnayan na sa kanyang opisina ang International Criminal Court (ICC), ngunit inutusan niya ang kanyang staff na huwag pansinin ang tribunal dahil nananatili siyang matatag sa kanyang paniniwala na wala itong jurisdiction sa kanya.
Habang naghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa muling pagtakbo, tinanong si Dela Rosa kung nakipag-ugnayan na sa kanya ang ICC, na iniimbestigahan ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
"Merong nag-contact sa opisina pero in-ignore namin dahil alam naman naming wala silang jurisdiction sa atin. May nagko-contact sa opisina ko pero in-ignore namin, hindi namin kinausap, hindi namin pinatulan," saad ni Bato.
Matatandaang sinabi ng Office of the Solicitor General (OSG) nu'ng Hulyo na humingi ng tulong ang ICC para ma-interview ang mga pangunahing personalidad kadikit ng extrajudicial killings.
Ayon sa isang dokumentong inilabas ni dating Sen. Antonio Trillanes, kabilang dito sina Dela Rosa, dating hepe ng pulisya na si Oscar Albayalde, at iba pa. Samantala, kinumpirma ni Dela Rosa na marami na ang sumubok na i-contact sila na mula sa ICC mcatapos ang ibinulgar ni Trillanes.
ความคิดเห็น