top of page
Search
BULGAR

Sementeryo, sarado sa undas

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 8, 2020




Isasara ang lahat ng sementeryo, pampubliko man o pribado, sa Manila sa panahon ng ‘Undas’ simula October 31 hanggang November 3 ayon sa nilagdaang Executive Order No. 38 ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Aniya sa Facebook post, “Pinirmahan po natin ngayong araw ang Executive Order No. 38 kung saan ipinag-uutos po natin ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo mula October 31 hanggang November 3.

“Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit-kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahimlay sa mga pribado at pampublikong sementeryo.”

Humingi rin naman ng paumanhin si Mayor Isko sa kanyang naging desisyon at aniya, “Patawarin n’yo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon.”

Paliwanag pa ni Mayor Isko, “Tayo po ay nasa general community quarantine (GCQ). Ibig sabihin, may mga panahon, mga araw, oras na hindi natin kailangang magsiksikan, magpahirapan sa pila na mabisita ang mga mahal sa buhay sa kani-kanilang mga pribadong sementeryo o kolumbaryo, o sa mga pampublikong sementeryo.

“Hinihingi ko po ang inyong pang-unawa. Ito na rin ay para sa inyong kaligtasan.”

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page