top of page
Search
BULGAR

Self-care tips para sa tonsillitis, alamin!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | September 11, 2020




Dear Doc. Shane,


Mahilig sa candy ang bunso kong anak sa 4 years old, kaya palaging namamaga ang kanyang tonsils. Minsan, nilalagnat siya kasabay ng pamamaga nito dahil parang may nana. Ano ang dapat gawin kapag may kasamang lagnat at parang may nana ang tonsils? Ayoko namang dalhin siya sa hospital para maipa-check-up dahil natatakot ako sa COVID-19. – Cynthia


Sagot


Ang tonsils ay nasa likod ng lalamunan—ito ang dalawang tumpok sa magkabilaang gilid nito. Kapag ito ay nagkaroon ng impeksiyon mula sa virus o bakterya, ang tawag dito ay tonsillitis.


Madalas na nakukuha ang tonsillitis mula sa sipon o flu, o kaya naman sa bakterya na streptococcus.


Magpakonsulta sa doktor kapag nararamdaman ng bata ang mga sumusunod na sintomas:

  • Namamaga at namumulang tonsils

  • Puti o dilaw na batik sa tonsils

  • Masakit kapag lumulunok

  • Sore throat o masakit na lalamunan

  • Lagnat


Ang gamutan para sa tonsillitis ay depende kung dulot ba ito ng bakterya o virus. Kung viral ang tonsillitis, kayang labanan ng katawan ang sakit ng mag-isa. Kapag bakterya naman ang sanhi, antibiotic ang madalas na ibinibigay ng doktor.


May mga self-care tips din para maibsan ang tonsillitis ng bata. Subukan silang bigyan ng maligamgam na tubig na may kalahating kutsaritang asin, para imumog. Iwasan din ang pagbigay ng malalamig at matatamis na pagkain o inumin at kung kakain ng mga candy o anumang matamis, dapat na painumin sila agad ng tubig.


Kung hindi nawawala ang kanyang lagnat, mainam na dalhin agad siya sa doktor para mabigyan ng tamang antibiotic para sa pamamaga ng kanyang tonsils (tonsillitis).

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page