top of page
Search

Selebrasyon sa Los Angeles, bawal muna - Garcetti

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | October 14, 2020




Hindi na muna pahihintulutan ni Los Angeles Mayor Eric Garcetti na magdaos ng isang pampublikong selebrasyon bilang pagpupugay sa pagwawagi ng Los Angeles Lakers ng kanilang ika-17th titulo bunsod ng patuloy na nararanasang panganib na dala ng novel coronavirus disease (Covid-19) pandemic.


Ipinapatupad pa rin ng Los Angeles County ang isang kautusan sa pagbabawal ng lahat ng malalaking pagtitipon o isasagawang victory party parade upang ipagdiwang ang pagwawagi ng grupo nina 4-time champion at Finals MVP Lebron James, Anthony Davis at ng kabuuan ng koponan ng Lakers players at coaching staff.


Kasunod ito ng muling pagkakapanalo ng Lakers ng kampeonato matapos ang isang dekada nitong nagdaang Linggo (Lunes sa Pilipinas) laban sa dating koponan ni James na Miami Heat, 106-93, matapos itong magbuslo ng team high 28-points sa Game 6 ng best-of-7 final showdown na ginanap sa NBA Bubble loob ng Walt Disney World sa Bay Lake sa Orlando, Florida.


Dahil sa pandemya, magpapatuloy umanong walang anunsyo o plano ang syudad na magdiwang kasama ng buong koponan ng Lakers upng maiwasan ang hawahan sa lahat ng mga tagasunod at tagahanga.


As we cheer our @Lakers’ 17th championship, please remember it’s still not safe to gather in groups,” wika ni Mayor Garcetii sa kanyang tweeter account.


Ngunit dahil sa sobrang kagalakan at kaligayahan, hindi naiwasang magkaroon ng pagdiriwang sa labas ng Staple Center Arena noong Linggo ng gabi na tinatayang aabot sa 2,000 ang nagtipon-tipon para magsaya at magsama-sama, kung saan 76 ang inaresto dahil sa bandalismo, paglabag sa kautusan ng pagtitipon at pagkabigong paghiwalay-hiwalayin ang mga ito, na inireport ng Los Angeles Times.


Ito ang huling beses na nagwagi ang Lakers buhat ng manalo ng back-to-back championship noong 2009 at 2010 ang Staples Center-based team sa pangunguna ni NBA Legend Kobe Bryant para sa kanyang ika-5th titulo sa franchise team, katulong sina Spaniard Pau Gasol, Lamar Odom at Derrick Fisher.


Iniaalay ng buong koponan sa pamumuno ni James ang kanilang kampeonato sa namayapang si Bryant sa isang malagim na helicopter crash accident noong Enero 26 sa Calabasas kasama ang anak nitong si Gianna; Orange Coast College baseball coach John Altobelli, asawa nitong si Keri, at anak na si Alyssa; Christina Mauser; Ara Zobayan; at Sarah Chester at anak nitong si Payton.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page