top of page
Search

Segurista ang ex mo, Xian… KIM, NAGPA-FENG SHUI PARA MALAMAN KUNG COMPATIBLE SILA NI PAULO

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 28, 2025



Photo: Kim Chiu - IG


Ilang linggo na lang ay ipapalabas na ang first movie together nina Kim Chiu at Paulo Avelino, ang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) directed by Chad Vidanes under Star Cinema.


Ngayon pa lang ay excited na ang KimPau fans, na makikita sa mga ginagawa nilang effort para makatulong sa promo ng MLWMYD na ipapalabas na on March 26.


Sabi ni Kim sa interbyu sa kanya ni MJ Felipe sa Star Patrol segment ng TV Patrol, “Ngayon ko lang na-experience itong massive support na parang, wala pa kaming poster reveal, may ginawa na silang poster sa likod ng tricycle, sa sari-sari stores, namimigay ng mga photocards. March 26 manood sila. 


“‘Yung ibinibigay nilang support is something different, we’re very lucky na meron kaming ganu’ng klaseng support.”


Sa interbyu ni MJ kay Kim ay nai-share ng other half ng KimPau na nag-consult pala siya ng isang feng shui expert para alamin ang kanyang kapalaran this year.


Ayon kay Kim, “Okey naman. Napa-feng shui ko na, okey naman daw ‘yung dragon at horse, sana magtuluy-tuloy.”


Ang “dragon” na tinutukoy ni Kim ay si Paulo na ipinanganak under the Year of the Dragon, habang si Kim naman ay Year of the Horse.


Ang resulta, compatible raw ang “dragon” at “horse” this year.

For sure, kinilig ang KimPau fans.


 

Binugbog na si Jellie, ‘di pa raw nagkaso…

JAM, NAKAALIS NA NG ‘PINAS, TODO-ENJOY SA JAPAN


NAGLALAMYERDA mag-isa sa Japan ang controversial ex-boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio.


Nasilip namin ang post ni Jam sa kanyang latest story sa Instagram (IG) few hours bago namin isinulat ang aming kolum na ito.


Nakalagay sa IG Story ni Jam ang tumatakbong train. Kasunod ang piktyur ni Jam sa glass window ng train na nakasuot ng bucket hat habang nakaupo sa loob ng train.


Duda namin ay ilang araw nang nasa Japan si Jam. May mga naglabasan na rin kasing photos niya na kuha sa Japan. 


Maugong ang balita na umalis papuntang Japan si Jam right after ng kanyang sikretong pagbisita sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes, February 21.

Nagpunta si Jam at ang kanyang abogado sa NBI pagkatapos na ‘di siya nagpakita sa araw na pagpapatawag sa kanya na mag-report sa NBI noong Huwebes, February 20.


Libre pa ring makalabas ng bansa si Jam dahil wala pa raw naisasampang kaso sa korte against him ang kampo ng ex-fiancée niya na si Jellie Aw.


Hindi pa raw kasi nakapaghain sa korte ang NBI. Kapag nangyari ‘yan, saka pa lang magpa-file ng counter-affidavit si Jam.


Eh, paano kung ‘di na bumalik ng bansa si Jam Ignacio kapag nasa korte na ang reklamo ni Jellie Aw?

Well…


 

WINNER si Dra. Vicki Belo sa apela ng dati niyang medical operations head sa Belo Medical Group (BMG) na si Reginald Grace Llorin sa Makati Regional Trial Court.

Kumbaga sa manok, na-double dead ang dating medical operations head (MOH) sa mga kasong kinaharap niya. 


Una, ang demanda sa kanya ni Dra. Vicki. At pangalawa, ang apela ng MOH na ibinasura ng Court of Appeals.


Dahil diyan, pinagbabayad pa ang ex-MOH ng korte ng halagang P4.5M damages para sa attorney’s fees.


Nilabag daw kasi nu’ng ex-MOH ang kontrata niya sa BMG kung saan nakapaloob ang dalawang non-compete agreement sa kumpanya ni Dra. Vicki.


Sinubukan naming kunan ng reaksiyon si Dra. Vicki, but as of press time, ‘di pa kami nakakatanggap ng kanyang sagot.


Pero may mga natuwa na nanalo ang BMG sa kaso. Unfair naman daw kasi ‘yung after bigyan ng training ang MOH, kinumpitensiya pa ang Belo.


May pabor din kay Dra. Vicki at sinabing tama ang ginawa nila. Para saan pa nga naman ang nakalagay sa contract nila na “non-compete” if hindi ia-apply sa mga ganyang klaseng empleyado.


Ang malala pa raw kasi ay ginagawa nilang calling card na “Galing kami sa Belo” sa halip na umalis quietly. ‘Yun pa ‘yung ginagawang pang-attract ng bagong trabaho.

Hala ka!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page