ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 22, 2025
Photo: Gordon Ramsay at Judy Ann Santos-Agoncillo - Instagram
Todo ang kilig ni Judy Ann Santos nang purihin siya ng famous international chef na si Gordon Ramsay sa kanyang version ng halo-halo.
Nasa ‘Pinas ngayon ang famous chef na nakilala sa kanyang no-holds-barred commentaries on food preparations by other chefs in Hell’s Kitchen (HK) para i-challenge ang mga Pinoy chefs na gumawa ng kani-kanilang version ng halo-halo.
Isa si Juday sa mga kumasa at nagustuhan naman ni Chef Gordon ang ginawa niya.
Ani Ramsay, “Beautiful. Describe it for me please.”
Esplika ni Juday, “Chef, I have for you a black sesame Halo-halo with some Nata De Coco. It’s like coconut juice that’s fermented and I used coconut milk and evaporated milk for the ice, some leche flan and some cubes of cheese in there as well.”
Sey ni Chef Gordon, “It’s good. It’s really good. I love the black sesame. Thank you.”
Halos maglulundag sa tuwa ang aktres sa papuring natanggap mula kay Chef Gordon.
Ay, wish namin na matikman din ang halo-halo ni Juday.
ISHINARE ni Maris Racal ang post ng netizen tungkol sa bago niyang ini-release na kanta titled Perpektong Tao (PT) along with its video.
Ang caption ng netizen, “Sometimes, the most difficult chapters in one’s life make the best stories.”
Ibinahagi rin niya ang snippet ng music video of PT, along with a caption that summarizes what the song meant to her.
Dagdag pa ng netizen, “Chaos, mistakes, and lessons - every mess can turn into art.”
Hindi na nagsulat pa ng anumang caption ang singer-actress sa kanyang repost pero mukhang na-touch siya sa ginawa ng netizen.
Bagay na bagay, Bea… FANS, EXCITED NA SA KASAL NINA DOMINIC AT SUE
Hindi na itinatago nina Dominic Roque at Sue Ramirez (DominSue) ang tunay nilang relasyon. Hindi naman kontra ang mga netizens sa celebrity couple, may fans na rin silang tagapagtanggol.
Sey ng isang fan, “Perfect sana. May forever sa DominSue.”
Komento pa ng iba, “Mukhang magaan sila together.”
“ I love Sue, so simple and down to earth.”
“Ganda ng aura nila parehas, happy lang.”
“So kakilig! I love them, super.”
“Happy for them!”
“SueDom na talaga. Hahaha!”
“I can’t wait to see how cool their wedding is gonna look like. Sarap ka-bonding nitong dalawa na ‘to. ‘Di pretentious.”
Though, ang iba ay hindi tanggap ang kanilang relasyon.
“Kasama nila ang nag-video at nag-pic. Style ng mga artista, bulok!”
“The point is seen kunwari holding hands pero sadyang may inuutusan mag-video. Gets n’yo? Kung hindi, bahala na kayo d’yan, LOL!”
May ganern?!
Comments