ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 4, 2024
Nitong Martes, inanunsiyo ang pagkakatalaga kay Sen. Sonny Angara bilang bagong secretary ng Department of Education.
Naniniwala ako sa kakayahan ng aking “seatmate” na si Sen. Sonny.
Mula pa lamang nang sabay kaming pumasok sa Senado noong 2013, edukasyon na talaga ang isa sa pangunahing adbokasiya niya.
Sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 na binuo noong July 2022 para talakayin ang krisis sa edukasyon, ipinamalas ni Sen. Sonny ang kanyang malawak na kaalaman tungkol sa sektor.
Wala na’ng “learning curve” si Sen. Sonny sa kanyang bagong tungkulin dahil alam na niya ang mga problema, at batid na rin niya ang mga solusyon dito.
☻☻☻
May halong lungkot din ako sa pagkaka-appoint ni Sen. Sonny dahil sabay kaming pumasok sa trabahong ito, pero mauuna siyang lalabas.
Mami-miss din ng buong Senado ang husay niya, lalo na ang kanyang expertise sa finance at law. Bukod sa nabawasan ng abogado at “Prince Charming,” nawala rin ang isa sa mga haligi sa pagsuyod sa taunang pagpasa ng budget ng buong bansa.
Ngunit anumang kawalan ng Senado ay siya namang pakikinabangan ng buong bansa.
Maraming salamat, Sen. Sonny, at best of luck sa iyong bagong trabaho!
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments