ni Lolet Abania | January 25, 2022
Ibibigay na nang libre ng pamahalaan ang mga seaman’s books para sa mga first-time seafarers, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, nai-report din ni DOTr Secretary Arthur Tugade na babawasan din ng Maritime Industry Authority ng 50% ang gastos para naman sa renewal ng mag-e-expire na seaman’s books.
“’Yung mga first time seamen, na kukuha ng seaman’s book, ang halaga nito P1,000 to P1,800 depende kung sa’n mo kukunin, libre na ho ‘yun,” sabi ni Tugade.
“Paano ang renewal? 50% discount up to December this year,” dagdag ng opisyal.
Ang seaman’s book ay katumbas ng isang working visa para sa seafarers.
コメント