top of page
Search
BULGAR

SEAG athletes, aprub na ng DOH PSC-GAB ang bubble training

ni Gerard Peter / MC - @Sports | June 03, 2021




Binigyan na nang go-signal ng gobyerno ang mga national athlete na lalahok sa Southeast Asian Games (SEA Games) sa Hanoi, Vietnam na sumabak sa bubble training. Base sa inilabas na joint administrative order ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board mahigpit lang na babantayan ang mga atleta habang nasa training bubble.


Tamang-tama umano ang pag-apruba ng nasabing joint administrative order dahil sa nakahanda na rin ang sports facilities na nasa Baguio City. Nakasulat din sa kautusan na pirmado ni PSC Chairman William Ramirez, GAB at DOH na pinapayagan ang mga contact at non-contact sports magdaos ng training sa mga lugar na nasa ilalim ng moderate at low-risk community quarantine classifications.


Magtatalaga rin ng health and safety officers na magmomonitor sa mga atleta habang ang mga ito’y sumasabak sa dibdibang ensayo sa loob ng isang bio-secure environment.


Sa mahigpit na koordinasyon at pagkatig ng Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Paralympic Committee (PPC) sa ahensya ng pampalakasan ang mga national athletes na 18 pababa ay inaasahang kailangang magsumite ng written parental consent upang mapayagang magsanay.


We would like to thank the government through the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) for approving the JAO guidelines. This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.


Hindi lang namin alam kung saan-saan ang kanilang bubble trainings. Some of the NSAs ay mayroon ng nahanap at nasabi sa amin, but there are still na naghahanap pa.,” paliwanag ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, Chef de Mission ng Vietnam Games, sa Bulgar Sports at paisa-isa pa nilang inaalam sa mga NSAs ang mga pagdarausan ng kani-kanilang bubble training set-ups. Binibigyan pa rin nila ng karapatan ang mga NSAs na maghanap ng kanilang mga LGUs na gagawan ng kanilang mga pagsasanay para sa biennial meet.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page