ni Lolet Abania | January 8, 2022
Isang returning seafarer na taga-Iligan City ang naitala ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa test sa mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant.
Ayon sa DOH, ang nasabing seafarer ay kabilang sa 29 Omicron variant cases na na-detect nitong Huwebes. Sinabi ng ahensiya na nag-travel ang seafarer mula sa Kenya at bumalik sa Iligan City nitong Disyembre 30.
“This case arrived on December 16, completed isolation until December 30. On December 30, he was discharged, transferred, and arrived in CDO (Cagayan de Oro),” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga reporters ngayong Sabado.
Binanggit naman ng DOH na hindi ito kinokonsidera bilang unang kaso sa Mindanao, ang kaso ayon sa ahensiya ay kinaklasipika bilang isang returning overseas Filipino (ROF).
“Since this is an ROF po we do not count them under any region. Thus, there is still no case for Region 10 since wala pang local case doon,” sabi ni Vergeire.
Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 43 kumpirmadong Omicron variant cases sa bansa.
Ayon pa sa DOH, sa bagong kaso ng Omicron variant, 10 ay mga ROFs habang 19 ang mga local cases na ang mga address ay nasa National Capital Region (NCR).
Comments