ni Thea Janica Teh | August 28, 2020
Pumanaw na sa edad na 87 ang co-creator ng “Scooby-Doo” na si Joe Ruby.
Ayon sa Variety, namatay umano ang writer at animator sa “natural cause.”
Ibinahagi ng apo nitong si Benjamin Ruby na kahit ito ay matanda na ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagsulat at paglikha ng kaniyang mga obra.
Unang nilabas ang “Scooby-Doo” noong 1969 at ito ay tungkol sa mystery-solving group ng magkakaibigang Fred, Velma, Daphne, Shaggy at Scooby at tinawag nila ang grupo na Mystery, Inc.
Ito ay sumikat kaya naman marami ang gumawa ng live-action movies at reboots sa nakalipas na taon. Isa na rito ang Scooby Doo noong 2002 starring Freddie Prinze, Jr. at Sarah Michelle Gellar.
Commentaires