top of page
Search
BULGAR

School-based ML MVC Cup, itinatag para sa free education

ni Gerard Arce - @Sports | November 23, 2021




Isang hakbang ang isinagawa ng Collegiate Center for Esports (CCE) para alisin ang pangit na paniniwala at pagtingin ng mga magulang sa mga larong mobile games o mas kilala ngayong bilang E-sports matapos ilunsad ang school-based tournament na Mobile Legends: Bang Bang 5-on-5 Varsity Cup (MVC).


Pinangungunahan ng ilang mga atleta mula sa 10 koponan galing sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang mga naglalaro sa naturang kompetisyon na naglalayong bigyan ng libreng edukasyon o scholarship bilang mga student-athletes. Binubuo ang torneo ng mga kasalukuyang mga undefeated teams na Colegio de San Juan de Letran Knights, Emilio Aguinaldo College Generals, Lyceum of the Philippines University Pirates, Mapua University Cardinals, San Sebastian-Recoletos Stags, University of Perpetual Help Dalta, College of St. Benilde Blazers, Jose Rizal University Heavy Bombers, Arellano University at San Beda College Red Lions.


Inihayag nina CCE spokesperson Waiyip Chong at Finance head Stanley Lao na tulad ng isang normal na student-athlete, hindi maaaring makapaglaro ang isang atleta kung ito’y may problema sa kanyang pag-aaral. Kaya’t nararapat lamang umano na pagtuunan nito ng pansin ang pag-aaral para makapasa at kaantabay nito ang paglalaro na tiyak naman na nababantayan at nasa tamang oras lamang.


Kaya ginawa naming silang player from the schools o scholar para mag-aral sila, parang sa basketball, di ka makakalaro ng basketball kung may bagsak o incomplete ka na grades, ganun din ang gagawin natin sa CCE, you need to complete your grades papasa mo yan, attendance, para maglalaro ka na gagraduate ka pa,” wika ni Chong, sa weekly PSA Forum online.


Ang importante rito ay marami tayong natutulungan at nareregulate ang paglalaro ng mga bata. Dati kase kapag pagpapasok ang mga parents, tatakas ang mga bata maglalaro, ngayon regulated, nasa school lahat, alam natin yung ginagawa nila, sa ganung paraan maco-control natin sila dahil regulated not like before,” dagdag naman ni Lao sa forum.


Kumpara umano sa mga professional players ng E-Sports, makukunsiderang maigsi lamang ang panahon ng paglalaro ng mga e-sports athletes mula sa schools at colleges, gayundin ang maliit lamang na papremyo na nakalaan rito na ang pangunahing layunin ay makapagtapos ng pag-aaral ang mga student-athletes.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page